Rendon Labador, burado na rin sa Facebook: "Hindi po ako susuko sa adbokasiya ko"
- Burado na rin ang Facebook page ni Rendon Labador ngayong araw
- Sa kanyang Instagram stories ay naibahagi niya ang pag-mass report daw sa kanyang Facebook page
- Sa kabila nito ay sinabi ni Rendon na hindi siya titigil sa kanyang adbokasiya na patalinuhin daw ang mga Pilipino
- Matatandaang nauna na ring natanggal ang kanyang TikTok page
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Rendon Labador, sa kabila ng pag-mass report sa kanyang Facebook page ay hindi siya susuko sa kanyang adbokasiya. Ngayong araw ay tuluyan nang nawala ang kanyang Facebook page.
Ani Rendon ay nagulat siya na nawala ang kanyang Facebook page at nagpapasalamat siya sa sumoporta sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe.
Aniya, maglalabas siya ng kanyang statement sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.
Matatandaang nauna na ring natanggal ang kanyang TikTok page. Nabigo si Rendon sa kanyang apela na ibalik ang kanyang TikTok dahil ayon sa Tiktok ay nakalabag sa kanilang rules si Rendon.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Source: KAMI.com.gh