Vice Ganda sa madlang people: “Nakapag-mass report na ba ang lahat?”

Vice Ganda sa madlang people: “Nakapag-mass report na ba ang lahat?”

- Nabanggit ni Vice Ganda ang katanungang “Nakapag-mass report na ba ang lahat?”

- Ito ay habang nasa Rampanalo segment ng It's Showtime kung saan nabanggit niyang tuloy ang pagmamahalan nila ni Ion

- Walang binanggit na pangalan si Vice Ganda ngunit kasunod ng kanyang tanong ay nagtawanan maging ang audience

- Matatandaang kahapon lang ay natanggal sa Facebook si Rendon Labador

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa tanong ni Vice Ganda kung nakapag-mass report na daw ba lahat, naghiyawan ang madlang people sa studio. Ito ang pabirong hirit ni Vice Ganda habang nasa Rampanalo segment ng It's Showtime ngayong araw.

Vice Ganda sa madlang people: “Nakapag-mass report na ba ang lahat?”
Vice Ganda sa madlang people: “Nakapag-mass report na ba ang lahat?”
Source: Youtube

Nang si Ion na ang magbubukas ng kanyang kahon, pinasayaw ni Vice Ganda si Ion bilang pampaswerte daw. Aniya, tuloy ang kanilang pag-iibigan.

Ganyan! Ituloy natin ang pag-iibigan. Tuloy-tuloy lang. Tuloy ang pag-iibigan walang makakapagpigil. Ganun! Nakapag-mass report na ba lahat? Charot!

Read also

Rendon Labador sa isyu ng 299 engagement ring: "You get what you deserve"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Anak ni Izzy Trazona na si Andrei Trazona, isa nang drag queen

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel