Rendon Labador sa isyu ng 299 engagement ring: "You get what you deserve"

Rendon Labador sa isyu ng 299 engagement ring: "You get what you deserve"

- Nagsalita si Rendon labador kaugnay sa isyu tungkol sa reklamo ng isang babae kaugnay sa 299 engagement ring ng boyfriend niya

- Aniya, dapat ay magpasalamat na lang kesa magreklamo dahil aniya ay iyon lang ang value ng netizen na nagreklamo

- Dagdag pa niya, yung iba nga binigyan pero iniwan naman at inanakan lang

- Matatandaang nag-viral kamakailan ang anonymous post ng isang netizen kaugnay sa kanyang pagkakadismaya sa natuklasan niyang 299 na singsing na inorder ng kanyang boyfriend

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naghayag ng kanyang opinyon si Rendon Labador kaugnay sa viral na isyu tungkol sa 299 na engagement ring. Sa kanyang binahaging video ay pinagsabihan ni Rendon ang babaeng nag-post tungkol sa pagkadismaya niya sa engagement ring.

Rendon Labador sa isyu ng 299 engagement ring: "You get what you deserve"
Rendon Labador sa isyu ng 299 engagement ring: "You get what you deserve"
Source: Instagram

Ani Rendon, walang karapatang magreklamo ang naturang babae dahil aniya ay natatanggap lamang nito kung ang value bilang babae.

Read also

Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"

Masakit talaga yun na malaman mo yung value mo na an akala mo ang lupit-lupit mo. Na akala mo ang taas taas ng value mo bilang babae tapos nadisappoint ka.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel