Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"

Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"

- Minabuti ni Claudine Barretto na linawin na hindi kailanman nakialam si Vilma Santos sa kanyang desisyon

- Ito ay matapos lumabas na si Ate Vi daw ang nag-udyok kay Claudine na kasuhan ang kanyang ex

- Nagsimula ang naturang espikulasyon sa naging pahayag ng Optimum Star sa panayam ni Luis Manzano sa kanya

- Ani Claudine, nasasaktan siya na nadadamay ang kanyang idolo sa kanyang kasalukuyang sitwasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Claudine Barretto na bilang isang Vilmanian, nasasaktan siya na nadadamay ang kanyang idolo sa kanyang sitwasyon. Nilinaw niyang hindi kailanman nakialam ang Star for All Seasons sa kanyang desisyon.

Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"
Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"
Source: Instagram

Sa kanyang post, sinabi ni Claudine na pawang positibo lang ang naging payo sa kanya ni Ate Vi.

Being a vilmanian, it hurts me to hear that nadadamay ang idol sa sitwasyon ko ngayon. i just want to clear, never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko. Ang lahat ng advice niya sa akin ay puro positive.

Read also

'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya

Aniya, nais lang niya ipaalam sa tao ang kabutihan ng kanyang idolo kaya niya nabanggit ang tungkol kay Ate Vi sa panayam sa kanya ni Luis Manzano.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gusto ko lang talaga malaman ng tao kung gaano kabuti ang idol ko.sabi lang ni ate Vi is be strong for the people who luv me & the people i luv.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Alex Gonzaga, namahagi ng grocery packs mula sa kanyang pangangaroling

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel