Alex Gonzaga, namahagi ng grocery packs mula sa kanyang pangangaroling

Alex Gonzaga, namahagi ng grocery packs mula sa kanyang pangangaroling

- Itinuloy ni Alex Gonzaga ang kanyang pangangaroling nitong nagdaang pasko para sa pinamimigay niyang pamasko sa mga tao

- Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kanyang pangangaroling sa mga bossing at CEO

- Ang kanyang mga pinamigay ay may lamang grocery items na nagkakahalaga ng P1600

- Pinakita niya rin sa kanyang vlog ang pamimigay nila sa mga taong kanilang nadaanan sa lansangan na karamihan ay mga homeless

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nangaroling si Alex Gonzaga ngayong taon upang ituloy ang kanyang ginawang pamimigay ng mga grocery packs sa mga homeless. Ngayong taon ay nangaroling siya sa mga CEO at mga bossing ng malalaking kompanya.

Alex Gonzaga, namahagi ng grocery packs mula sa kanyang pangangaroling
Alex Gonzaga, namahagi ng grocery packs mula sa kanyang pangangaroling
Source: Youtube

Kabilang sa kanyang mga pinuntahan ay sina Joel Cruz, Rosmar Tan, Vic Sotto, Manny Villar, MVP, ang CEO ng Jag, Dr. Vicki Belo at marami pang iba.

Read also

Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"

Abot-abot naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng mga pinamigay ni Alex na grocery package na nagkakalaman ng umabot sa P1600 ang halaga na pagkain.

Matatandaang ginawa na rin ito noon ni Alex at naisipan daw niyang ituloy ito ngayong taon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel