Rendon Labador, burado na sa TikTok: "Bakit ang daming masaya na binura ako sa TikTok?"
- Binahagi ni Rendon Labador na burado na ang kanyang TikTok account
- Sa kanyang binahaging screenshot ay makikita ang tugon ng TikTok sa apela niya na ibalik ang kanyang account
- Ayon sa TikTok, napatunayang lumabag sa kanilang community standard si Rendon kaya hindi na nila binalik ang account nito
- Kinuwestiyon niya ang aniya'y ibang content creator na puro kabastusan naman ang content pero hinahayaan lang daw
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ni Rendon Labador ang pagkadismaya niya na burado na ang kanyang TikTok account. Aniya, bakit yung ibang puro kabastusan ang content ay hinahayaan lang gayong siya ay bumoboses lang daw para sa bayan.
Makikita sa kanyang post ang naging tugon ng TikTok kung bakit hindi ibinalik ang kanyang account. Ayon sa TikTok, napatunayang lumabag sa kanilang community standard si Rendon kaya hindi na nila binalik ang account nito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Mali ba ang pag boboses para sa bayan at i-expose ang mga katangahan ng mga tao?♂️ Pero yung mga content at tiktok account na puro kabastusan at kahayupan ay hinahayaan ninyo?
Naitanong niya rin sa kanyang stories sa Facebook kung bakit tila marami ang natuwa na nawala ang kanyang TikTok account.
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Ayon pa kay Rendon, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Sinabi niya rin na siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin kahit ano pa man ang laman ng naturang envelop. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Binahagi ni Rendon Labador ang post ng BITAG Multimedia Network kaugnay sa paglilinaw nito tungkol sa lumabas na Fake news. Ayon kay Rendon, dahil sa fake news na ito ay nalaman niyang may kapatid daw pala si Sen. Raffy Tulfo. Ang tinutukoy na fake news na ito ay ang napabalitang statement umano ng batikang journalist na si Ben Tulfo laban kay Rendon. Kasunod ito ng mga maanghang na pahayag ni Labador laban kay Michael V.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh