Rendon Labador, muling nanawagan sa MTRCB kaugnay sa biro ni Jose Manalo

Rendon Labador, muling nanawagan sa MTRCB kaugnay sa biro ni Jose Manalo

- Muling tinawag ni Rendon labador ang pansin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)

- Ito ay para daw ipatawag at aksiyunan ang naging biro ni Jose Manalo sa noontime show na "E.A.T."

- Tinanong niya kung bakit hindi inaaksiyunan ng ahensiya ang isyu tungkol kay Jose

- Nagbigay pa ito ng ultimatum na hanggang Lunes para aksyunan ng MTRCB ang kanyang inidudulog na reklamo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Rendon Labador, bibigyan niya ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng oras hanggang Lunes kaugnay sa kanyang reklamo tungkol kay Jose Manalo.

Rendon Labador, muling nanawagan sa MTRCB kaugnay sa biro ni Jose Manalo
Rendon Labador, muling nanawagan sa MTRCB kaugnay sa biro ni Jose Manalo (Rendon Labador)
Source: Facebook

Ito ay para daw ipatawag at aksiyunan ang naging biro ni Jose Manalo sa noontime show na 'E.A.T'.

Tinanong niya kung bakit hindi inaaksiyunan ng ahensiya ang isyu tungkol kay Jose.

Read also

Paolo Contis, tila araw-araw SONA ayon kay Cristy: "Siya ang laging nagkukukuda"

“MTRCB BAKIT HINAHAYAAN NINYO ITO???Bigyan ko kayo hanggang lunes para aksyunan ito,

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Para fair naman kay maam Lala Sotto, no hate trabaho lang naman. Dapat nadin yata nating i check yung mga board members ng MTRCB? Baka t*t*nga t*nga lahat at baka palamunin lang ng gobyerno kaya hindi marunong mag trabaho. Kawawa talaga ang lider kung ang mga tauhan nito ay mahihina. Kawawa ang Pilipinas,”

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Kathryn, dinepensahan ni Dolly de Leon: "Nasa legal age na siya para gawin ‘yun"

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: