Lolo vlogger, nagdiwang nang magkaroon ng 300 subscribers sa YouTube

Lolo vlogger, nagdiwang nang magkaroon ng 300 subscribers sa YouTube

- Nagdiwang ang vlogger na si Lolo Mandoy nang makaabot siya 300 subscribers sa YouTube

- Sa kanyang vlog, makikitang nagluto sola ng pansit upang ipagpasalamat ang nasabing biyaya

- Nagbigay mensahe rin si Lolo Mandoy sa kanyang subscribers na labis niyang pinasalamatan

- Matatandaang nag-viral din ang isang siyam na taong gulang na vlogger matapos na i-treat ang sarili pagkakaroon ng 2 subscribers sa kanyang channel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Abot-abot ang pasasalamat ng YouTube channel na Lolo Mandoy's Fishing vlog matapos na magkaroon siya ng 300 na subscribers.

Lolo vlogger, nagdiwang nang magkaroon ng 300 subscribers sa YouTube
Lolo Mandoy (@lolomandoyfishingvlog9029)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa video ni Lolo Mandoy na kanyang na-upload noong Pebrero 18, makikitang nagluto sila ng pansit para sa simpleng pagdiriwang.

"Salamat po sa suporta niyo... Maraming salamat" ang nasabi ni Lolo Mandoy na pawang tungkol sa pangingisda ang kanyang naibabahagi sa vlog.

Read also

Ivana, hinahanap ang 'cute' guy na naabutan ng chocolates at flowers ng kanyang Ate Amira

Samantala, dahil sa kanyang pasasalamat sa 300 subscribers, lumobo agad bilang ng mga bago niyang subscribers.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa loob ng ilang oras mula nang kanyang mai-upload ang 'Thank you' vlog , agad na pumalo ng 15,000 ang dumagdag na subscribers. At makalipas nga ang mahigit 24 oras, umabot na ito sa 40,000.

Sa comment section ng naturang vlog, inulan ng pagbati si Lolo Mandoy. Ang iba, nagbigay pa ng payo paano maaring kumita si Lolo Mandoy sa kanyang channel lalo na at patuloy na dumarami ang kanyang subscribers.

Narito ang ilang mga komento at pagbati ng netizens kay Lolo Mandoy:

"Nakakatuwa naman po kayo! Ipinapakita niyo po sa amin na walang timbang ang biyaya, bagkus lahat ito ay marapat na pasalamatan at ipagdiwang."
"Congrats lolo mandoy sayong 300 subs pag patuloy molang ginagawa mo, susuportahan ka namin!"

Read also

Cristy sa umano'y stand ni Sen. Robin sa bullying: "Nangangalit po ang panga ng mga magulang"

"Ang cuteeee napaka grateful na tatay. God bless you more and more tatay"
"Keep it up Lolo Mandoy, andito lang po kami susuporta sayo!"
"I'm happy for you Lolo... Nakakatuwa napasimple lng pero nakaka-inspire"

Hindi nalalayo ang kwentong ito ni Lolo Mandoy sa batang vlogger na si Mary Grace Escober na nag-viral noong 2020.

Ito ay matapos na ipagpasalamat niya ang 2 subscribers sa kanyang YouTube channel. Sa naturang viral post, makikita ang picture ni Mary Grace sa isang maliit na cake na may nakalagay na "2 sub" at isang McDonald's meal.

Dahil sa labis na naantig ang puso ng netizens sa kanya, mabilis na pumalo sa 100,000 ang kanyang subscibers sa loob lamang ng 24 oras. At ngayon, makalipas ang dalawang taon, mayroon na siyang 219,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel