Batang YouTuber na nagdiwang sa 2 subscribers niya noon, binati ng McDonald's

Batang YouTuber na nagdiwang sa 2 subscribers niya noon, binati ng McDonald's

- Binati ng McDonald's ang batang vlogger na si Mary Grace Escober sa tagumpay nito sa kanyang YouTube Channel

- Mapapansin kasing sa pagdiriwang ng bata ng kanya noong 2 subscribers ay McDonald's meal ang inihanda niya sa kanyang sarili

- Dahil sa nag-viral ang kanyang post, umabot na sa 100,000 ang kanyang mga subscribers sa loob lang ng isang araw at ngayon, umabot na ito sa halos 200,000

- Maraming netizens ang natuwa sa kanya maging ang iba pang mga YouTubers na natuwa sa tagumpay ni Mary Grace

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Batang YouTuber na nagdiwang sa 2 subscribers niya noon, binati ng McDonald's
Photo from Mary Grace Escober's Facebook
Source: Facebook

Isa ang McDonald's sa mga bumati sa batang vlogger na si Mary Grace Escober dahil sa tagumpay na natamasa sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na sa viral post ni Mary Grace kung saan ipinagdiwang niya ang pagkakaroon ng dalawang subscribers, McDonald's meal ang kanyang treat sa sarili.

Read also

Bayaning Nars Award, iginawad sa viral nurse na nagpaanak sa kalsada

Sa mismong Facebook page ng McDo nitong Oktubre 16, binati at pinasalamatan nila si Mary Grace.

"Thank you, Mary Grace, for celebrating with a McCrispy Chicken Fillet Meal! At thank you rin for reminding us that doing what makes you happy is worth celebrating,"

"Congratulations on your Youtube channel! #LoveKoTo," ang caption ng larawan ni Mary Grace sa page ng McDo.

Maging ang mga netizens ay natuwa sa tagumpay na nakamit ni Mary Grace lalo na at matapos na mag-viral ang kanyang post, mula 2 subcribers, bumulusok na ito sa 100,000.

Ngayon, halos 200,000 na ang nag-click ng subscribe button sa YouTube.

Sa isang post ni Mary Grace, makikita ang kasiyahan ng bata kasama ang kanyang pamilya sa pasasalamat at nakamit na niya ang 100,000 na mga followers sa YouTube.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Read also

Batang nagdiwang dahil sa 2 subcribers, umabot ng 100k ang followers matapos mag-viral

"She showed us that humility is everything..such a humble beginning. Appreciating even small things comes great blessings indeed"

"Thank you McDonald's for taking time to appreciate this little girl"

"An inspiring short McDo film about celebrating wins (big or small) amid the pandemic would be great!! Please make it happen"

"Gandang content kaya maging masaya sa kabila ng pandemic at hirap, iyong sa maliit na bagay marunong magpasalamat, iyong kahit small blessings lang sobrang sinecelebrate natin, humble beginning.Naiiyak ako. God bless you baby girl!"

"Thank you McDonalds for recognizing this girl, kaya nman luv ko to eh!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Mary Grace, maraming mga vlogger at YouTuber sa bansa na bukod sa paghahatid saya sa kanilang mga viewers ay nakatutulong din sa mga nangangailangan.

Isa na rito ang yumaong komedyante at batikang YouTuber sa bansa na si Lloyd Cadena. Sa mga huling araw niya, nagawa pa rin niyang tumulong sa mga labis na naapektuhan ng krisis ng pandemya at nakapamigay pa ito ng ilang gamit na mapapakinabangan ng mga estudyante sa kanilang online class.

Read also

KZ Tandingan at TJ Monterde, kinumpirmang kasal na sila sa pamamagitan ng isang music video

Marami rin ang natutuwa sa kabutihang ipinakikita ng isa pang vlogger sa Pilipinas na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Bagaman at isa siyang 'Syrian', pusong Pinoy talaga ito na laging nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga Pinoy na naghihikahos sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica