KZ Tandingan at TJ Monterde, kinumpirmang kasal na sila sa pamamagitan ng isang music video

KZ Tandingan at TJ Monterde, kinumpirmang kasal na sila sa pamamagitan ng isang music video

- Ikinasal na ang long-time sweethearts na sina KZ Tandingan at TJ Monterde

- Sa isang music video na ibinahagi ni TJ Monterde, ipinakita nila ang naging intimate wedding nila na ginanap sa Batangas

- Nilahad din nilang lahat sila sa kasalan ay dumaan sa COVID-19 testing bago ang kasal

- December pa ng nakaraang taon engaged ang dalawa at nito lamang Agosto natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

KZ Tandingan at TJ Monterde, kinumpirmang kasal na sila sa pamamagitan ng isang music video

KZ Tandingan at TJ Monterde (Photo from TJ Monterde's Facebook)
Source: Facebook

Kinumpirma ng singer na si TJ Monterde na natuloy na ang kasalan nila ng kanyang long-time sweetheart na si KZ Tandingan.

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng isang music video, ibinunyag nilang ikinasal na sila ni KZ noon pang Agosto 28 ng kasalukuyang taon.

Sa umpisa ng music video ng kanta nilang "Can't wait to say I do", ipinaliwanag nila ang mga pag-iingat pa rin na kanilang ginawa bilang ang kasal nila ay ginanap sa gitna ng pandemya.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

“Safety is our main priority; hence we chose a venue that provides a COVID-free environment,”

“Everyone involved underwent a series of COVID-19 testing and were cleared before entry as we complied responsibly with all the strict guidelines,” ang mababasa sa umpisa ng video.

Mapapansing iilan lamang ang mga bisita nilang dumalo na siyang magiging saksi sa pagpapalitan nila ng "I do" sa The Farm sa San Benito, Batangas.

Ilan sa mga nakita sa video na personalidad na dumalo sa kanilang kasalan ay sina Martin Nievera at Ebe Dancel.

"Yep. Mr and Mrs Monterde." ang post ni TJ sa kanyang Facebook ngayong Oktubre 8.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng music video:

Matatandaang Disyembre pa ng nakaraang taon nang maganap ang nakakakilig na proposal ni TJ kay KZ na limang taon nang magkasintahan.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Si KZ Tandingan ay isa sa mga hinahangaang singer ng bansa na nakikilala na rin maging sa ibang bahagi ng mundo dahil sa talento niya sa pag-awit.

Masasabing 'bagay' talaga sila ng kanya na ngayong mister na si TJ na isa ring singer kaya naman musika ang isa sa mga nagpapatibay ng kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel