Batang nagdiwang dahil sa 2 subcribers, umabot ng 100k ang followers matapos mag-viral

Batang nagdiwang dahil sa 2 subcribers, umabot ng 100k ang followers matapos mag-viral

- Matapos mag-viral ng batang vlogger dahil ipinagdiwang nito ang pagkakaroon ng dalawang subscribers, agad na pumalo sa 100,000 ang mga YouTube followers niya

- Agad siyang nagpasalamat sa mga ito sa kanyang Facebook page at mayroon pa siyang mga lobo na korteng '100k'

- Sobrang saya ng bata at hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay papalo na ng 100,000 ang mga subscribers niya mula sa bilang na 2

- Humingi rin siya ng tulong sa kanyang mga subscribers na makaabot siya ng 4,000 watch time sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Batang nagdiwang dahil sa 2 subcribers, umabot ng 100k ang followers matapos mag-viral

Mary Grace Escobar (Photo from Mary Grace Escobar's Facebook)
Source: Facebook

Walang pagsidlan ang kaligayahan ng batang si Mary Grace Escobar dahil sa umabot na sa 100,000 ang kanyang YouTube subscribers.

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na mag-viral ang post ni Mary Grace kung saan ipinagdiwang niya ang dalawang subscribers niya sa kanyang channel.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Marami ang natuwa sa post ng siyam na taong gulang na vlogger na ito kaya naman marami rin ang nag-share at nakakuha ito ng atensyon ng publiko.

Dahil dito, sa loob lamang ng 24 oras, umabot na agad sa 100,000 ang mga subscribers ni Mary Grace.

Hindi niya talaga ito inaasahan dahil mula sa dalawa, naging daang libo na agad ito.

Agad siyang nagpasalamat sa mga subscribers niyang ito sa pamamagitan ng isa muling Facebook post kasama ang kanyang larawan ang mga lobong may disenyong '100k.'

"Thank you so much 100k subscribers!!! Sobrang happy po namin ng family ko ngayon hndi namin ito inasahan maraming salamat po talaga sa lahat ng sumusuporta sa akin! God bless us all," ang bahagi ng post ni Mary Grace.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang post niyang ito ay mayroon nang 29,000 na mga positive reactions at naibahagi na ng 13,000 na beses.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Karamihan ng mga komento sa kanyang post ay pagbati dahil sa bagong achievement ni Mary Grace.

Apat na buwan nang vlogger si Mary Grace at masasabing napakaswerte niya na agad na bumulusok ang dami ng kanyang mga tagatangkilik.

Kamakailan, muling nag-viral ang video ng isa ring vlogger na tulad ni Mary Grace na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ay matapos niyang bigyan ng tulong ang nadaanan lamang niyang ice cream vendor na matiyagang naglalako kahit putol ang binti.

Samantala, nagbigay na muli ng update si Lorita Cadena, ang ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Sa kanyang bagong video, sinagot niya ang ilang katanungan ng kanyang mga subscribers at isa na rito ay kung ano ang mangyayari sa YouTube channel ni Lloyd o mas kilala bilang si "Kween LC."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel