Whamos at Antonette Gail, pinag-ipunan ang insurance ng kanilang anak

Whamos at Antonette Gail, pinag-ipunan ang insurance ng kanilang anak

- Pinakita ni Whamos Cruz ang naipon nila ni Antonette Gail para sa insurance ng anak nila na si Baby Meteor

- Sa kanyang binahaging video ay makikitang binilang nila ang lahat ng naipon nila na nasimulan umano nila kahit noong pinagbubuntis pa lamang ni Antonette ang anak

- Umabot sa mahigit P600,00 ang perang kanilang naipon mula sa kanilang kita sa negosyo at vlog

- Hinimok din ni Whamos ang kanyang mga followers na mag-ipon para mapaghandaan ang kinabukasan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Whamos Cruz ang kabuuang perang kanilang naipon ni Antonette Gail para sa insurance ng kanilang anak na si Baby Meteor. Umabot sa mahigit P600,000 ang perang kanilang naipon.

Whamos at Antonette Gail, pinag-ipunan ang insurance ng kanilang anak
Whamos at Antonette Gail, pinag-ipunan ang insurance ng kanilang anak (@facebook.com/Masterwhamos)
Source: Facebook

Nagsimula na silang mag-ipon kahit buntis pa lang si Antonette para umano masimulan na sila ang insurance ng anak kapag lumabas na ito. Hinimok din ni Whamos ang kanyang mga followers na mag-ipon para mapaghandaan ang kinabukasan ng kanilang mga anak kagaya sa ginawa nila.

Read also

Antonette Gail sa kanyang bashers: "Make sure mas magaling kayong sumayaw sakin ha"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Antonette Gail at Whamos Cruz, sinorpresa ang mommy ni Antonette

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel