Antonette Gail at Whamos Cruz, sinorpresa ang mommy ni Antonette

Antonette Gail at Whamos Cruz, sinorpresa ang mommy ni Antonette

- Masayang binahagi ni Antonette Gail at Whamos Cruz sa mommy ni Antonette na monetized na umano ang Facebook page nito

- Kasabay ng kanilang pagbabahagi ng magandang balita ay binigyan nila ng P50,000 ang mommy ni Antonette

- Ayon sa kanya, sa kabila ng gulong nangyari sa pagitan nila noon ay nararamdaman niyang bumabawi umano ito sa kanila ngayon

- Nilinaw nila ni Whamos na naiintindihan nila ang mommy niya sa ginawa nito noon dahil ayaw lang umano nito na mapahamak ang kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinorpresa nina Antonette Gail at Whamos Cruz ang mommy ni Antonette na matatandaang dumulog noon sa programa ni Sen. Raffy Tulfo para mabawi ang anak. Nilinaw nila ni Whamos na naiintindihan nila ang mommy niya sa ginawa nito noon dahil ayaw lang umano nito na mapahamak ang kanyang anak.

Read also

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

Antonette Gail at Whamos Cruz, sinorpresa ang mommy ni Antonette
Antonette Gail at Whamos Cruz, sinorpresa ang mommy ni Antonette (@Whamoscruz)
Source: Facebook

Hindi napigilang maging emosyonal ng mag-ina. Ayon kay Antonette, sa kabila ng gulong nangyari sa pagitan nila noon ay nararamdaman niyang bumabawi umano ito sa kanila ngayon. kaya naman, kasabay ng kanilang pagbabahagi ng magandang balita ay binigyan nila ng P50,000 ang mommy ni Antonette.

Antonette Gail at Whamos Cruz, sinorpresa ang mommy ni Antonette
Antonette Gail at Whamos Cruz, sinorpresa ang mommy ni Antonette (@facebook.com/antonettegailofficialpage)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jorhomy sa ika-40 days nito

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel