Pamilya ni Jovelyn Galleno, kinumpirma na siya ang sumakay sa multicab

Pamilya ni Jovelyn Galleno, kinumpirma na siya ang sumakay sa multicab

- Mismong ang kapatid ni Jovelyn Galleno na si Jonalyn Galleno ang nagsabing nakumpirma nilang si Jovelyn nga ang nasa CCTV footage na nakitang sumakay sa multicab

- Sa pakikipag-usap ni Sen. Raffy Tulfo kay Jonalyn at ilang otoridad na nakatutok sa kaso, sinabi ni Jonalyn na base sa gesture at suot ng babae sa video kaya nila nakumpirma

- Kahit malabo ang CCTV ay nakilala nila si Jovelyn at sumang-ayon naman si Sen. Tulfo dahil aniya bilang pamilya ay makikilala ng mga ito si Jovelyn base lamang sa kilos nito

- Nabanggit din ni Sen Tulfo na muli niyang kakamustahin ang imbestigasyon sa susunod na araw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinumpirma ng pamilya ni Jovelyn Galleno na siya nga ang babaeng nasa bagong CCTV footage na nakitang sumakay sa multicab. Sa pakikipag-usap ni Sen. Raffy Tulfo kay Jonalyn Galleno at ilang otoridad na nakatutok sa kaso, sinabi ni Jonalyn na base sa gesture at suot ng babae sa video ay nasabi nilang si Jovelyn nga ang nasa video.

Read also

Andrew Schimmer, naghihintay na lang ng clearance para maiuwi ang asawa

Pamilya ni Jovelyn Galleno, kinumpirma na siya ang sumakay sa multicab
Pamilya ni Jovelyn Galleno, kinumpirma na siya ang sumakay sa multicab (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Dahil naman sa umano'y hindi magkakatugmang pahayag ng otoridad na nakausap ni Sen. Tulfo, maingat niyang hinimay ang isyu at muling tinanong ang proseso kung paano nasabi ng pamilya na si Jovelyn nga ang nasa video.

Kahit malabo ang CCTV ay nakilala nila si Jovelyn at sumang-ayon naman si Sen. Tulfo dahil aniya bilang pamilya ay makikilala ng mga ito si Jovelyn base lamang sa kilos nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Kamakailan ay nakiusap ang kapatid ng nawawalang dalaga na si Jovelyn sa mga netizens. Kaugnay ito sa mga taong gumagawa ng social media account gamit ang pangalan ng ate niya. Aniya, sana ay tigilan na ito bilang respeto na lang sa pamilya nila na hanggang sa kasalukuyan ay nababahala pa rin sa kalagayan ni Jovelyn. Dagdag pa niya, lalong nagiging komplikado ang mga pangyayari dahil sa mga maling impormasyon na inilalabas sa social media.

Read also

Business establishment sa Brgy. Tagburos, nakunan ang multicab na posibleng sinakyan ni Jovelyn Galleno

Samantala, nagpaunlak ng panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang store manager sa pinagtatrabahuhang boutique ni Jovelyn. Naikwento niya kung anong klaseng empleyado ang dalaga at aniya ay nakita pa niya sa store si Jovelyn noong tanghali ng August 5. Aniya 6:30 ng hapon na iyon ay pinag-out na niya ang dalaga ngunit nakaramdam umano siya ng kaba. Nakiusap din siya sa mga komento ng mga tao kaugnay sa kanya na tila pinaghihinalaan din siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel