Jelyn Galleno, hindi pa rin umano alam ang resulta ng DNA test na isinagawa ng NBI
- Ayon kay Jelyn Galleno, ina ng nawawalang dalagang si Jovelyn Galleno, hindi pa rin nila alam ang resulta ng DNA test na isinagawa ng NBI
- Ito ay matapos lumabas ng balitang nakarating na sa lungsod ng Puerto Prinsesa sa Palawan
- Nang tanungin ito kung ano ang kanyang nararamdaman kaugnay sa inaabangang resulta, sinabi niya na wala siyang nararamdaman
- Naibahagi niya rin na hindi naman naibalik sa kanila ang kalansay na sinasabing pagmamay-ari ng kanyang nawawalang anak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam kay Jelyn Galleno, ina ng nawawalang dalagang si Jovelyn Galleno nabanggit nito na hindi pa rin nila alam ang resulta ng DNA test na isinagawa ng NBI. Naibahagi niya rin na hindi naman naibalik sa kanila ang kalansay na sinasabing pagmamay-ari ng kanyang nawawalang anak.
Matatandaang ngayong araw ay lumabas ang balitang nakarating na sa lungsod ng Puerto Prinsesa ang inaabangang resulta ng isinagawang DNA test ng NBI sa kalansay ng natagpuan.
Nang tanungin ito kung ano ang kanyang nararamdaman kaugnay sa inaabangang resulta, sinabi niya na wala siyang nararamdaman.Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang sa pakikipag-usap ni Leobert kay Senator Raffy Tulfo, naibahagi nito ang aniya ay ginawa sa kanya nang sumuko siya dahil sa pananaksak niya sa pinsang si Jovert Valdestamon. Pinuntahan daw siya ng mga tao na hindi niya kilala at tinanong siya kung may abogado na daw ba siya. Isang pulis umano ang nagsabi sa kanya kung gusto niya ng pera at sinabihan daw siya na makipagtulungan sa kanila. Kasunod umano nito ay sinaktan na siya ng mga taong naka-sibilyan habang nakaharap ang pulis na kanyang pinangalanan.
Sumailalim na sa polygraph o lie detector test ang tinuturong salarin sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas. Pinakita ng NBI ang ginawang paghahanda sa polygraph test. Matatandaang mismong si Leobert ang humiling ng naturang test para mapatunayan na totoo ang kanyang sinasabi hinggil sa umano'y pang-to-torture sa kanya. Nauna na ring sinabi ni Senator Raffy Tulfo na magsasagawa sila ng independent polygraph test.
Source: KAMI.com.gh