Leobert Dasmariñas, sumailalim na sa polygraph o lie detector test

Leobert Dasmariñas, sumailalim na sa polygraph o lie detector test

- Sumailalim na sa polygraph o lie detector test ang tinuturong salarin sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa nilabas na pictures ng Super Radyo DYSP 909Khz Palawan, pinakita ng NBI ang ginawang paghahanda sa polygraph test

- Matatandaang mismong si Leobert ang humiling ng naturang test para mapatunayan na totoo ang kanyang sinasabi hinggil sa umano'y pang-to-torture sa kanya

- Nauna na ring sinabi ni Senator Raffy Tulfo na magsasagawa sila ng independent polygraph test

Base sa nilabas na pictures ng Super Radyo DYSP 909Khz Palawan, inihanda ng National Bureau of Investigation (NBI) si Leobert Dasmariñas sa pagsasailalim nito sa polygraph o lie detector test. Nauna na ring sinabi ni Senator Raffy Tulfo na magsasagawa sila ng independent polygraph test.

Read also

Cristy sa umano'y pag-aaral bumaril ni Carla: "Bakit ngayon mo lang ginawa 'yan?"

Leobert Dasmariñas, sumailalim na sa polygraph o lie detector test
Leobert Dasmariñas, sumailalim na sa polygraph o lie detector test (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inaabangan na rin ng taong-bayan ang lalabas sa sinagawang DNA test ng NBI sa mga natagpuan kalansay na diumano'y kay Jovelyn Galleno.

Matatandaang matapos ang kanyang pag-amin, binawi ni Leobert ang kanyang salaysay nang makalabas siya sa kulungan matapos matulungan ni Cong. Edward Hagedorn. Hiniling niya ang tulong mula kay Senator Raffy Tulfo.

Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Matapos maipalabas ang video ni Leobert tungkol sa umano'y pananakit sa kanya, nabanggit nila ang pangalang Richard Ligad. Sa isang live video ng Facebook page na We R1 at Your Service, mariing pinabulaanan ni Ligad ang mga akusasyon sa kanya ni Dasmariñas. Nilinaw niyang hindi umano siya nagtatago kay Senator Raffy Tulfo matapos siyang sinubukang tawagan ng programang Raffy Tulfo in Action. Aniya, mahirap lang talaga umano signal habang tinatawagan siya at nagkataong nasa Rizal, Palawan umano sila.

Read also

Buboy Villar, binahagi ang picture nila ni Marian Rivera

Matatandaang sa pakikipag-usap ni Leobert kay Senator Raffy Tulfo, naibahagi nito ang aniya ay ginawa sa kanya nang sumuko siya dahil sa pananaksak niya sa pinsang si Jovert Valdestamon. Pinuntahan daw siya ng mga tao na hindi niya kilala at tinanong siya kung may abogado na daw ba siya. Isang pulis umano ang nagsabi sa kanya kung gusto niya ng pera at sinabihan daw siya na makipagtulungan sa kanila. Kasunod umano nito ay sinaktan na siya ng mga taong naka-sibilyan habang nakaharap ang pulis na kanyang pinangalanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate