CIO Richard Ligad, itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya ni Leobert Dasmariñas
- Matapos maipalabas ang video ni Leobert Dasmariñas tungkol sa umano'y pananakit sa kanya, nabanggit nila ang pangalang Richard Ligad
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Sa isang live video ng Facebook page na We R1 at Your Service, mariing pinabulaanan ni Ligad ang mga akusasyon sa kanya ni Dasmariñas
- Nilinaw niyang hindi umano siya nagtatago kay Senator Raffy Tulfo matapos siyang sinubukang tawagan ng programang Raffy Tulfo in Action
- Aniya, mahirap lang talaga umano signal habang tinatawagan siya at nagkataong nasa Rizal, Palawan umano sila
Minabuti ni City Information Officer Richard Ligad na magsalita sa pamamagitan ng Facebook live ang tungkol sa alegasyon sa kanya ni Leobert Dasmariñas para lang umamin umano siya. Aniya, wala naman siyang mapapala kung gagawin niya iyon kay Leobert.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aniya, nakita na lamang niya ang suspek nang umamin na daw ito. Nakita niya lang umano uli ito nang itinuro niya ang umano'y pinagtapunan niya ng cellphone ni Jovelyn. Nilinaw niyang hindi umano siya nagtatago kay Senator Raffy Tulfo matapos siyang sinubukang tawagan ng programang Raffy Tulfo in Action.
Iginiit niyang malinis ang kanyang konsensiya.
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh