Pinsang buo ni Jovelyn Galleno, umamin kaugnay sa panghahalay
- Umamin sa isang panibagong salaysay ang pinsang buo ni Jovelyn Galleno kaugnay sa panghahalay sa dalaga
- Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag
- Aniya, pagkatapos halayin ng pinsang si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga
Nag-iba ng salaysay ang pinsang buo ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, sinabi nito na pagkatapos halayin ng pinsang si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod na gumalaw kay Jovelyn.
Matatandaang sa nauna niyang pahayag ay sinabi niyang nagsilbi lamang siyang lookout. Gayunpaman, sa kanyang bagong salaysay ay sinabi nitong ang kanyang pinsang si Jovert ang pumalit sa pagiging lookout.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, patuloy pa ring hinihintay ang resulta ng mga pagsusuri kaugnay sa kaso para matukoy kung talaga bang si Jovelyn yung natagpuang kalansay.
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 nang hapos ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Humiling ng dasal si Ptr. Darlyn Galve, ang pastora sa simbahan ng pamilya Galleno kasunod ng mga lumabas na balitang may natagpuang kalansay at kalakip niyon ay ang mga kagamitan ng dalaga. Makikita sa pictures na binahagi ni Ptr. Darlyn ang pagiging emosyonal ng pamilya ni Jovelyn. Umaasa pa rin sila na hindi si Jovelyn ang kalansay na narecover ng pulis matapos magsalita ng tinuturong suspek.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh