Jay Costura, nagulat sa update ng kaso ni Jovelyn "Lahat tayo ay umaasang buhay si Jovelyn"

Jay Costura, nagulat sa update ng kaso ni Jovelyn "Lahat tayo ay umaasang buhay si Jovelyn"

- Naglabas ng saloobin si Jay Costura kaugnay sa pag-usad ng kaso ni Jovelyn Galleno

- Ito ay matapos ang rebelasyon ng suspek na siyang nakapagturo 'di umano sa kinaroroonan ng bangkay at mga gamit ng biktima

- Matatandaang minsan na rin niyang binasahan ang pagkawala ni Jovelyn kung saan nabanggit niyang buhay pa umano ito

- Gayunpaman, may ilang mga tao ang may agam-agam sa naturang rebelasyon lalo na at buto na lamang at kalansay ang kanilang natagpuan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng pahayag si Jay Costura ilang oras matapos na lumutang ang isa sa 2 suspek ng umano'y pag biglaang pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Jay Costura, nagulat sa update ng kaso ni Jovelyn "Lahat tayo ay umaasang buhay si Jovelyn"
Jay Costura (Jay Costura YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na marami umanong nag-tag kay Jay ukol sa kaso kaya naman kanya itong pinaunlakan upang makatulong.

"Nagulat kami sa balita na natagpuan na siya na patay pero kalansay na. Binalikan ko yung sinabi ng baraha, 'yung sinabi ng tarot na may panlilinlang, may pag-uusap may akasunduan," bungad ni Jay.

Read also

Mga ka-lugar nina Jovelyn, wala raw naamoy sa lugar kung saan narekober ang kalansay

Nabanggit ni Jay na bukas ang kanyang pinto para magsagawa ng pagbabasa ng kanyang mga baraha subalit hiling niyang makasama ang pamilya o kahit isang miyembro ng kaanak ng biktima.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Bakit gugustuhin ko na kapamilya o kadugo para maiwasan natin 'yung... Hindi natin mapi-please ang lahat ng tao na maniwala sa mga ganitong bagay. kasi mahirap naman talaga kung hindi mo nai-experience," ani Jay

"Willing po akong tumulong sa paraang alam ko," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Jay mula sa kanyang YouTube channel:

Si Jay Costura ay isa sa mga kilalang Pinoy Psychic sa bansa. Isa siya sa mga sumubok na tumulong upang mas mapadali ang paghahanap sa nawawalang dalaga sa Palawan na si Jovelyn Galleno.

Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang Agosto 5, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho. Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay.

Read also

Kapatid ni Jovelyn, nakapanayam ng RTIA: "Nakapagtatakang may mga buto na doon"

Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa pampasaherong multicab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel