Kapatid ni Jovelyn, nakapanayam ng RTIA; "Nakapagtatakang may mga buto na doon"

Kapatid ni Jovelyn, nakapanayam ng RTIA; "Nakapagtatakang may mga buto na doon"

- Nakapanayam ni Raffy Tulfo ang kapatid ni Jovelyn Galleno na si Jonalyn

- Aminado ang kapatid ng nawawalang dalaga na maging sila ay nagtaka na bigla nalang may nakitang mga kalansay na sinasabing kapatid niya

- Mula nang mawala ang kapatid, mas madalas na raw na may tao sa lugar kung saan nakita ang mga buto

- Hindi rin daw nangamoy ang bangkay nito gayung may mga taong posibleng makapansin nito na malapit sa lugar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na nakausap ni Raffy Tulfo sa kanyang programa si Jonalyn Galleno, ang kapatid ng nawawalang dalaga na si Jovelyn Galleno.

Kapatid ni Jonalyn, nakapanayam ng RTIA; "Bigla nalang lumutang na may mga buto na doon"
Jovelyn Galleno (screenshot from Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na lumutang na umano ang isa sa mga suspek na si Leubert Dasmariñas na siyang nakapagturo 'di umano ng kinaroroonan ng ngayo'y mga buto ni Jovelyn.

Sa panayam ng programang Raffy Tulfo in Action, sinabi ng kapatid ni Jovelyn na tila diskumpiyado sila sa isiniwalat na ito ng mismong pinsan umano nila na si Leubert.

Read also

Mga ka-lugar nina Jovelyn, wala raw naamoy sa lugar kung saan narekober ang kalansay

"'Yung gubat na yun po ay may daanan din po. So possible po, hindi siya talaga gubat, talahiban po siya minsan kadalasan tinataniman po siya. Kaya nadadanan din po siya ng mga tao. Possible po na kapag merong patay po doon, mangangamoy at mangangamoy po. Kaya doon po kami nagtaka," pahaya ni Jonalyn.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Simula nang mangyari po ito kay Jovelyn, marami po talagang tao po doon. Kasi iyon po talaga yung una nilang tinignan yung gubat na po na iyon. Doon po sila nagpa-ikot ikot. Hindi naman po nawawalan ng tao po doon," dagdag pa nito.

Nangako naman si Tulfo na patuloy na tututukan ang kaso at magpapadala pa ng staff ng RTIA upang magpadala ng tulong sa pamilya Galleno.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel.

Read also

Jay Costura, nagulat sa update ng kaso ni Jovelyn "Lahat tayo ay umaasang buhay si Jovelyn"

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na dalagang naiulat na nawawala sa Palawan noong ika-5 ng Agosto, taong kasalukuyan. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.

Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay.

Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel