Ptr. Darlyn Galve, humiling ng panalangin para sa pamilya ni Jovelyn Galleno

Ptr. Darlyn Galve, humiling ng panalangin para sa pamilya ni Jovelyn Galleno

- Humiling ng dasal si Ptr. Darlyn Galve, ang pastora sa simbahan ng pamilya Galleno

- Ito ay kasunod ng mga lumabas na balitang may natagpuang kalansay at kalakip niyon ay ang mga kagamitan ng dalaga

- Makikita sa pictures na binahagi ni Ptr. Darlyn ang pagiging emosyonal ng pamilya ni Jovelyn

- Umaasa pa rin sila na hindi si Jovelyn ang kalansay na narecover ng pulis matapos magsalita ng tinuturong suspek

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ptr. Darlyn Galve ang picture ng pamilya ni Jovelyn Galleno matapos ang paglabas ng balitang natagpuan na ang bangkay nito. Nakita sa mga narekober na kalansay ang mga kagamitan ni Jovelyn na kinabilangan ng kanyang mga ID.

Ptr. Darlyn Galve, humiling ng panalangin para sa pamilya ni Jovelyn Galleno
Ptr. Darlyn Galve, humiling ng panalangin para sa pamilya ni Jovelyn Galleno (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Binahagi ni Ptr. Darlyn ang picture ng pamilya ni Jovelyn na emosyonal sa lumabas na balita. Gayunpaman, umaasa pa rin sila na hindi iyon ang mga labi ni Jovelyn. Ayon sa pastora, mahirap para sa kanila na paniwalaan ang balita.

Read also

Kapatid ni Jovelyn, nakapanayam ng RTIA: "Nakapagtatakang may mga buto na doon"

Please Pray for the FAMILY . Ang hirap lang paniwalaan . Still#findingjovelyn

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Mismong ang kapatid ni Jovelyn na si Jonalyn Galleno ang nagsabing nakumpirma nilang si Jovelyn nga ang nasa CCTV footage na nakitang sumakay sa multicab. Sa pakikipag-usap ni Sen. Raffy Tulfo kay Jonalyn at ilang otoridad na nakatutok sa kaso, sinabi ni Jonalyn na base sa gesture at suot ng babae sa video kaya nila nakumpirma. Kahit malabo ang CCTV ay nakilala nila si Jovelyn at sumang-ayon naman si Sen. Tulfo dahil aniya bilang pamilya ay makikilala ng mga ito si Jovelyn base lamang sa kilos nito. Nabanggit din ni Sen Tulfo na muli niyang kakamustahin ang imbestigasyon sa susunod na araw.

Read also

Medico Legal Officer, inihayag ang opinyon sa sinasabing kalansay ni Jovelyn Galleno

Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa pagbaba nito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa - Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate