Boss ni Jovelyn Galleno, binahagi ang kwento noong araw na nawala ang dalaga
- Nagpaunlak ng panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang store manager sa pinagtatrabahuhang boutique ni Jovelyn Galleno
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Naikwento niya kung anong klaseng empleyado ang dalaga at aniya ay nakita pa niya sa store si Jovelyn nitong tanghali ng August 5
- Aniya alas 6:30 nang araw na iyon ay pinag-out na niya ang dalaga ngunit nakaramdam umano siya ng kaba
- Nakiusap din siya sa mga komento ng mga tao kaugnay sa kanya na tila pinaghihinalaan din siya
Ayon sa store manager sa pinagtatrabahuhang botique ni Jovelyn Galleno, nakita pa niya ang dalaga noong August 5, 2022 nang tanghali. Sa panayam sa kanya ng Kapuso Mo, Jessica Soho sinabi niyang alas 6:30 nang araw na iyon ay pinag-out na niya ang dalaga ngunit nakaramdam umano siya ng kaba at hindi siya nakatulog.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aniya, wala siyang problema kay Jovelyn pagdating sa trabaho dahil nagagawa naman nito ang kanyang trabaho. Nakiusap din siya sa mga tao kaugnay sa mga komento ng mga ito laban sa kanya.
Nilinaw niyang malinis ang kanyang konsensya at kinikuwestiyon niya kung bakit tila tinuturing siyang suspek sa nangyari. Sa mga lumabas na CCTV ay makikita ang pagdaan ni Jovelyn ngunit halos lahat ay kuha sa loob ng mall.
Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.
Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh