Andrew Schimmer, naghihintay na lang ng clearance para maiuwi ang asawa

Andrew Schimmer, naghihintay na lang ng clearance para maiuwi ang asawa

- Binahagi ni Andrew Schimmer ang update tungkol sa kalagayan ng kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero

- Nakatanggap na umano sila ng clearance mula sa ilang doktor nila at naghihintay na lamang sila ng clearance mula sa kanilang pulmonologist

- Kapag maayos umano ang resulta ng mga laboratory tests ay maaring maiuwi na nila sa katapusan ng buwan ang kanyang misis

- Muli ay pinasalamatan ni Andrew ang mga netizens na tuloy-tuloy ang pagdarasal para sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng good news si Andrew Schimmer para sa mga sumusuporta sa kanilang mag-anak. Nakatanggap na umano sila ng clearance mula sa ilang doktor nila at naghihintay na lamang sila ng clearance mula sa kanilang pulmonologist para maiuwi na nila ang kanyang asawa.

Andrew Shimmer, naghihintay na lang ng clearance para maiuwi ang asawa
Andrew Shimmer, naghihintay na lang ng clearance para maiuwi ang asawa (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Aniya, kapag maganda ang resulta ng kanyang mga laboratory tests, maaring maiuwi na nila sa bahay ang kanyang misis. Muli ay pinasalamatan niya ang mga netizens sa patuloy na pagdarasal para sa kanilang pamilya.

Read also

Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"

Aniya, sarap ng tulog ng kanyang misis dahil nag-iipon ito ng lakas dahil alam umano nitong malapit na siyang lumabas. Tantiya niya ay dalawang linggo na lang at makakalabas na sila sakaling lumabas na maayos ang mga lab test ng asawa niyang walong buwan nang nasa ospital.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.

Nagbahagi ng mensahe si Andrew para sa kaarawan ng kanyang misis. Inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa asawa na ilang buwan na ring namamalagi sa ospital. Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay. Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel