Dalagang nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan, mahigit isang linggo nang nawawala

Dalagang nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan, mahigit isang linggo nang nawawala

- Hindi pa rin natatagpuan si Jovelyn Galleno, ang 22-anyos na dalagang nawala sa Palawan

- Siya ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan para makatulong sa pamilya niya

- Matatandaang noong August 5, 2022 siya nawala ngunit matapos ang mahigit isang linggo ay hindi pa rin ito nahahanap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Patuloy na iniimbistigahan ng otoridad ang kaso lalo at tinututukan ito ng publiko at naipalabas pa ito sa Raffy Tulfo in Action

Hindi pa rin nakikita ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno na isang working student. Nitong ika-5 ng Agosto ay napabalita ang kanyang pagkawala matapos hindi ito nakauwi mula sa kanyang trabaho sa isang mall sa Palawan. Dumulog na sa Raffy Tulfo in Action ang pamilya nito.

Dalagang nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan, mahigit isng linggo nang nawawala
Dalagang nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan, mahigit isng linggo nang nawawala (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Dumulog na rin sa programa ni Raffy Tulfo ang kanyang pailya at nakipag-usap na rin ang Raffy Tulfo in Action sa kapulisan ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring development ang kaso. Patuloy na iniimbistigahan ng otoridad ang kaso lalo at tinututukan ito ng publiko.

Read also

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

Hindi rin kaagad nakuha ang CCTV footage na hinihingi ng kampo ng dalaga ngunit nilinaw ng pamunuan ng mall na nakikipagtulungan umano sila sa mga otoridad.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.

Read also

Amo ni Jovelyn Galleno, binahagi ang kwento noong araw na nawala ang dalaga

Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate