VP Leni, pinasalamatan ang mga tumulong kay Jillian para 'maka-survive' sa NYU
- Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang mga tumulong sa anak na si Jillian hanggang sa makatapos ito sa New York University
- Ito raw ang mga taong umalalay sila noong partial scholarship pa lang ang nakuha ni Jillian sa unibersidad
- Nabanggit din nito ang pagiging lab assistant ni Jillian sa loob ng apat na taon upang suportahan ang kanyang pag-aaral
- Kasalukuyang nasa Amerika pa si VP at mga anak para sa graduation ng bunsong anak at para na rin umano sa kanyang 'well deserved' rest
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagpabatid ng kanyang pasasalamat ang outgoing Vice President ng bansa na si Leni Robredo sa mga taong tumulong sa bunsong anak na si Jillian na makatapos sa New York University.
Nalaman ng KAMI na ang mga taong ito rin ang naging daan upang makapag-aral din ang kapwa Pinay na si Xyza Cruz Bacani, isang photographer na kasabay ni Jillian na nakapagtapos sa nasabing unibersidad.
Sa kanyang post, ibinahagi rin ni VP Leni ang pagsisikap ni Jillian na masuportahan ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng pagiging lab assistant sa loob ng apat na taon.
So much to be grateful for to Michael Purugganan and Joan Maniego, two Filipinos who helped Jillian and Xyza Bacani (the one beside Jillian) survive NYU.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
When Jillian was accepted to NYU and was only initially granted partial scholarship, I told Jillian we still could not afford the balance. She then proceeded to apply for additional scholarships and, Michael, who was then Dean of Science, was one of those she wrote. Michael sought the help of Joan, Tisch Chief of Staff, and together, they helped Jillian out. Eventually, Jillian worked 20 hours per week as a lab assistant at the Center for Genomics and Systems Biology for 4 years
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Kamakailan, ipinaalam ni VP Leni ang pagpunta nila sa Amerika para sa graduation ni Jillian. Gayunpaman, siniguro niyang patuloy ang pagpaghahanda ng bumubuo sa Office of the Vice President sa pagtatapos ng kanyang termino at para sa launching ng Angat Buhay Foundation.
Walang humpay din ang pagbibigay niya ng update sa mga kaganapan sa Pagtatapos ni Jillian tulad ng mga mahahalagang suot nito sa kanyang Baccalaureate. Ito ay ang pendant na may abo ng pumanaw na ama nitong si Jesse Robredo, kanyang graduation stole may kulay ng bansang Pilipinas at ang kanyang Rosas pin.
Source: KAMI.com.gh