VP Leni, ibinahagi ang video ng mga anak nang magsalita na si Taylor Swift

VP Leni, ibinahagi ang video ng mga anak nang magsalita na si Taylor Swift

- Ibinahagi mismo ni Vice President Leni Robredo ang kuha niyang video sa mga anak na sina Aika, Tricia at Jillian

- Ito ay mula sa graduation ni Jillian kung saan iginawad din kay Taylor Swift ang Honoris Causa Doctor of Fine Arts Degree

- Ayon pa kay VP Leni, aminadong "Swifties" silang mag-iina kaya ganoon na lamang ang kanilang saya nang makita ang kanilang iniidolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mismong ang outgoing Vice President ng bansa na si Leni Robredo ang nagbahagi ng video kung saan makikita ang reaksyon ng kanyang mga anak na sina Aika, Tricia at Jillian nang makita ang kanilang iniidolo na si Taylor Swift.

VP Leni, kinunan ng video ang reaksyon ng mga anak nang magsalita na si Taylor Swift
Sina Aika, Tricia at Jillian (Leni Gerona Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa graduation ni Jillian, bunsong anak ni VP Leni, sa New York University kung saan ginawaran naman ang international hitmaker ng Honoris Causa Doctor of Fine Arts Degree.

Read also

VP Leni, pinasalamatan ang mga tumulong kay Jillian para 'maka-survive' sa NYU

Kitang-kita ang pagiging emosyonal ng tatlong anak ni VP Leni na labis din ang kasiyahan para sa kanilang iniidolo.

Ayon pa kay VP Leni, umalis pa si Jillian sa kinauupuan nito para samahan sila sa panonood at pakikinig kay Taylor sa speech nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Jillian left her seat to go to where we were seated to savor the moment with us. We were lucky to have good seats. Still very far from the stage but good enough vantage"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Kamakailan, ipinaalam ni VP Leni ang pagpunta nila sa Amerika para sa graduation ni Jillian. Gayunpaman, siniguro niyang patuloy ang pagpaghahanda ng bumubuo sa Office of the Vice President sa pagtatapos ng kanyang termino at para sa launching ng Angat Buhay Foundation.

Walang humpay din ang pagbibigay niya ng update sa mga kaganapan sa Pagtatapos ni Jillian tulad ng mga mahahalagang suot nito sa kanyang Baccalaureate. Ito ay ang pendant na may abo ng pumanaw na ama nitong si Jesse Robredo, kanyang graduation stole na may kulay ng bansang Pilipinas at ang kanyang Rosas pin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel