Leni Robredo, lilipad patungong New York; tuloy pa rin ang paghahanda sa pagtatapos ng termino

Leni Robredo, lilipad patungong New York; tuloy pa rin ang paghahanda sa pagtatapos ng termino

- Ibinahagi ni VP Leni Robredo ang paglipad niya patungong New York para sa graduation ng bunsong anak na si Jillian

- Aniya, ilang araw siyang mawawala sa bansa para na rin sa kanya umanong "well-deserved rest"

- Sa kabila nito, patuloy pa rin umano ang paghahanda niya sa ilulunsad na 'Angat Buhay Foundation'

- Gayundin ang pag-turnover niya sa susunod na magiging bise presidente ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pinakabagong post ni outgoing Vice President Leni Robredo, sinabi niyang lilipad siya ng kanyang pamilya patungong New York para sa graduation ng kanyang anak na si Jillian.

Leni Robredo, lilipad patungong New York; tuloy pa rin ang paghahanda sa pagtatapos ng termino
Leni Robredo (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na magiging bahagi na rin ito ng kanyang pahinga matapos ang ilang buwang kampanya niya sa pagka-pangulo.

"This is the first time since my husband died in 2012 that we will be travelling again as a family with no work to take care of"

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Dahil dito, humingi siya ng paumanhin sa mga humihiling na makipagkita sa kanila ngunit sa ngayon, bibigyang oras muna niya ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"We will do that some other time in the future. For now, we just need to spend as much time together"

Aminado rin ang bise presidente na marami siyang mga email at iba pang mga mensahe na hindi nasasagot ngunit ibinilin niya na ang mga urgent concerns ay maaring ipaabot sa kanyang Chief of Staff na si Usec Boyet Dy.

Sa kabila ng pag-alis sa bansa, patuloy pa rin umano ang paghahanda niya para sa Angat Buhay Foundation na ilulunsad sa Hulyo 1.

Gayundin ang pag-turnover umano ng kanyang opisina sa susunod na magiging bise presidente ng bansa.

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

Manny Pacquiao, nag-concede na; may mensahe rin para kay BBM

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa katatapos lamang na eleksyon nitong Mayo 9. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tumakbo bilang bise presidente subalit malaki 'di umano ang naging lamang ng kanilang mga katunggali sa kani-kanilang mga posisyon na sina dating senador Bongbong Marcos at Mayo Sara Duterte.

Sa kanyang thanksgiving rally noong Mayo 13, hinimok niya ang mga 'Kakampink' na tanggapin ang resulta ng Halalan subalit patuloy pa rin ang paglaban nila sa kasinungalingan.

Sa nasabing pagtitipon, inanunsyo rin ni VP Leni ang paglulunsad ng pinakamalaking volunteer network sa bansa, ang Angat Buhay Foundation.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica