VP Leni Robredo, ibinida ang mahahalagang suot ng bunsong si Jillian sa Graduation nito
- Ipinakita ni outgoing Vice President Leni Robredo ang graduation look ng anak nitong si Jillian Robredo sa New York University
- Isa rito ang pendant na naglalaman ng ashes ng namayapang ama ni Jillian na si Jesse Robredo
- Gayundin ang stole na may disenyong watawat ng Pilipinas at "Rosas" pin na simbolo ng kandidatura ng kanyang inang si VP Leni
- Lumipad patungong New York sina VP kasama ang mga anak para sa graduation ceremonies ng bunsong si Jillian
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo ang graduation attire ng bunsong anak na si Jillian Robredo.
Nalaman ng KAMI na patuloy na nagbibigay ng update si VP Leni at kanyang mga anak na sina Aika, Tricia sa mga kaganapan ng kanilang graduation ni Jillian sa New York University.
Sa kanyang Facebook post, makikita si Jillian na suot ang mahahalagang simbolo maituturing sa kanyang buhay.
"Jillian wearing what matters most - a pendant containing her Papa’s ashes, her graduation stole with the colors of the Philippine flag and her Rosas pin."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang kamakailan, ipinaalam ni VP Leni ang paglipad nilang mag-iina patungong New York para sa mahalagang kaganapan sa pagtatapos sa pag-aaral ni Jillian at para na rin sa kanyang 'well deserved' rest.
Gayunpaman, nabanggit nito na may mga tao naman sa Office of the Vice President na naghahanda sa pagtatapos ng kanyang termino.
Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa katatapos lamang na eleksyon nitong Mayo 9. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tumakbo bilang bise presidente subalit malaki 'di umano ang naging lamang ng kanilang mga katunggali sa kani-kanilang mga posisyon na sina dating senador Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte.
Sa kanyang thanksgiving rally noong Mayo 13, hinimok niya ang mga 'Kakampink' na tanggapin ang resulta ng Halalan subalit patuloy pa rin ang paglaban nila sa kasinungalingan.
Sa nasabing pagtitipon, inanunsyo rin ni VP Leni ang paglulunsad ng pinakamalaking volunteer network sa bansa, ang Angat Buhay Foundation.
Source: KAMI.com.gh