Fashion Designer, pinapahanap ang Kakampink couple na nag-viral matapos ma-bash

Fashion Designer, pinapahanap ang Kakampink couple na nag-viral matapos ma-bash

- Isang fashion designer ang nag-alok na siya ang gagawa ng wedding gown nang libre para sa isang couple na kapwa supporters ni VP Leni Robredo

- Aniya, matapos niyang mabasa ang mga bashing sa magkasintahan, napaisip niya kung paano niya magagawang positibo ang negatibong karanasan nila

- Nakausap niya umano ang bride at kahit hindi pa siya nag-alok na siya ang gagawa ng wedding gown ng bride, halos kompleto na umano ang mga suppliers para sa kasal

- Napag-usapan umano nila kung paano mapapasama pa rin sa kanilang kasal ang lahat ng tulong na inalok sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos ang mga nag-alok ng kanilang seerbisyo at regalo para sa magkasintahang supporter ni VP Leni Robredo. Isang fashion designer ang nag-alok na siya ang gagawa ng wedding gown nang libre para sa bride.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Fashion Designer, pinapahanap ang Kakampink couple na nag-viral matapos ma-bash
VP Leni Robredo
Source: Facebook

Ayon sa fashion designer na si Gladi Echavarre, nabasa niya ang pangba-bash sa magkasintahan na nag-viral kahit noong panahon ng pangangampanya dahil sa kanilang placard kung saan nakasulat ang kanilang pagsuporta kay VP Leni at sa bise nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Aniya, matapos niyang mabasa ang mga bashing sa magkasintahan, napaisip niya kung paano niya magagawang positibo ang negatibong karanasan nila. Sa kanyang post ay marami pa ang nag-alok ng kanilang libreng serbisyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang mang-aawit ang nag-alok na kakanta siya sa kasal nila ng libre, meron ding jewelry maker na nag-alok na sagot niya ang hikaw ng bride.

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Matapos lumabas ang resulta ng halalan, si dating senador Bongbong Marcos ang lumabas na panalo. Gayundin ang kanyang bise na si Sara Duterte. Sa gitna ng mga reaksiyon ng kanyang mga tagasuporta, hiniling ni VP Leni sa mga Kakampink na tanggapin ang resulta ng eleksiyon.

Aniya, alam niyang pinoproseso pa ng kanyang mga tagasuporta ang mga nangyari. Inihayag din niya na sa Mayo 13, magkakaroon ng pagtitipon sa Maynila na kanyang dadaluhan upang pasalamatan ang mga volunteers ng kanyang kandidatura

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate