Pulis na sinampal ng isang babae, mas piniling magpatawad
- Marami ang humanga sa isang pulis sa viral na video na kumalat kamakailan kung saan isang babae ang tila galit na galit
- Nagawa nitong manakit sa pulis ngunit hindi gumanti o pumatol ang naturang pulis
- Base sa isang video ng panayam sa pulis na si Patrolman John Paul Sudario ng Traffic Enforcement Unit ng Santiago City Police Office, nakausap niya ang pamilya ng babae
- Napag-alaman niyang mayroon itong sakit sa pag-iisip at nakakaranas ng depresyon kaya nanaig sa kanya ang awa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hinangaan ang pinakitang pagpapakumbaba ng isang pulis sa viral video kung saan makikitang sinampal siya ng isang babae sa entrance ng isang mall. Sa video ng ibinahagi ng Manila Police District Dance Fitness Team, makikitang nakikipagdiskusyon ang babae sa guard at sa pulis.
Base sa isang video ng panayam sa pulis na ibinahagi ng PCADG Cagayan Valley, nanaig ang awa kay Patrolman John Paul Sudario ng Traffic Enforcement Unit ng Santiago City Police Office. Napag-alaman niyang mayroon itong sakit sa pag-iisip at nakakaranas ng depresyon kaya nanaig sa kanya ang awa.
Humingi na rin umano ng tawad ang kapatid ng babae at nakausap niya ang mga magulang nito. Hindi na siya nagsampa ng kaso dahil mas pinili na lamang niyang patawarin ang babae. Marami ang humanga sa pinakita nitong pagtitimpi sa kabila ng kanyang sinapit:
Saludo akonsa iyo ,Sir. Yan ang tatak ng isa mabuting pulis at alam ko na itinuro sa iyo ng iyong superior. Mabuhay ka Sir at PNP na sasakupan mo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Compliment para sa magulang nya.. Naging mabuting Anak at mahusay na pulis..isa sa dangal sa hanay NG kapulisan sana dumami pa kayo salute
Good job sir. Napaka buti po ng puso nyo, saludo po ako sa mga taong ganito hindi dahil my katungkulan po kayo dhil po nakita nyo ang totoong kalagayan, napaka lawak ng pang unawa nyo po sa kapwa.
Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.
Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.
Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.
Source: KAMI.com.gh