77-anyos na lola, namamalimos kahit nagpapadala ng maayos ang anak na nasa Japan

77-anyos na lola, namamalimos kahit nagpapadala ng maayos ang anak na nasa Japan

- Nagagawa pa rin na mamalimos ng 77-anyos na lola kahit maayos na nakapagpapadala sa kanya ang anak na nasa Japan

- Napag-alaman na ang anak nitong lalaki na siyang kasama ng lola ang nagwawaldas ng pera nila

- Ngayong nagsumbong pa ang anak na nasa Japan kay Raffy Tulfo, itinago pa ng kuya ang kanilang ina na labis na ipinag-aalala ng nagrereklamong anak

- Nagdesisyon na rin ang anak na sakaling malaman na ang kinaroroonan ng kanyang ina at pumayag na itong ilagak sa home for the aged

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dumurog sa puso ng milyong-milyong viewers nga video na ito ni Raffy Tulfo kung saan ang 77-anyos na lola na si Dominica Cortez ay nagagawa pa ring mamalimos kahit umaabot sa Php30,000 ang sustento ng kanyang anak na nasa Japan.

Read also

62-anyos na magsasaka, 'di nagdalawang-isip na isauli ang bag na may lamang Php36,000

Nalaman ng KAMI na ang tanging kasama ni Nanay Dominica ay ang anak niyang si Carmelito na siyang tumatanggap ng perang padala ng kapatid niyang si Donna Mizuochi.

77-anyos na lola, namamalimos kahit nagpapadala ng maayos ang anak na nasa Japan
Si Lola Dominica (Photo from Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Pahayag ni Donna na humingi na ng tulong kay Tulfo, kasalukuyang itinatago ng kanyang kuya Carmelito ang kanilang ina nang malaman na nagsumbong sila sa RTIA.

Matagal na rin na nananakit si Carmelito lalo na sa kanilang ina. Bagama't nakapangalan ang padalang pera sa ina, pilit naman itong kinukuha ng kanyang kuya na aminadong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman napipilitang mamalimos ang kanyang ina dahil wala na raw itong makain.

Humanga naman si Tulfo sa stepbrother nina Donna na si Meltres Cortes dahil ito ang bumibili ng groceries para kay Nanay Dominica at nakakakita ng kalagayan nito.

Read also

Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"

Dahil sa mga pangyayari, nagdesisyon na rin si Donna na ilagak ang kanyang ina sa home for the aged kung saan mas maayos itong mapangangalagaan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTube Star sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica