Karl Eldrew Yulo, nakatanggap ng P500,000 mula kay Chavit Singson
- Si Karl Eldrew Yulo ay nanalo ng apat na medalya sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships sa Thailand
- Tumanggap si Eldrew ng P500,000 mula kay Chavit Singson bilang gantimpala sa kanyang tagumpay
- Nagwagi si Yulo sa junior individual all-around event, floor exercise, still rings, at vault
- Ayon kay Singson, nararapat lamang ang gantimpala ni Yulo dahil sa ipinakita niyang sipag at determinasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Biniyayaan ng maraming pagpapala si Karl Eldrew Yulo matapos magwagi ng mga gintong medalya sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships sa Thailand noong nakaraang linggo. Ang 16-taong-gulang na si Eldrew, na nakababatang kapatid ni Carlos Yulo, ang 2-tume Olympic Gold medalist, ay tumanggap ng P500,000 mula kay Chavit Singson bilang gantimpala sa kanyang tagumpay.
Nagwagi si Eldrew ng gintong medalya sa junior individual all-around event, floor exercise, still rings, at vault. Bukod dito, nakamit din niya ang mga pilak na medalya sa parallel bars at team all-around events.
Ayon kay Singson, nararapat lamang ang gantimpalang ito kay Yulo dahil sa ipinakita nitong sipag at determinasyon upang maging susunod na gymnastics sensation ng bansa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay si Singson sa pamilya Yulo. Noong nakaraang buwan, nagbigay siya ng P1 milyong halaga ng tulong bilang isang maagang pamaskong regalo, pati na rin ang pagpapahayag ng hangarin na ayusin ang ugnayan ng pamilya at ni Carlos Yulo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Carlos Edriel Poquiz Yulo o mas kilala bilang Caloy, ay isang kinikilalang atleta na nagsimulang sumabak sa gymnastics sa edad na pito at sumali sa pambansang koponan noong 2018.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh