Eldrew Yulo, bumuhos ang luha sa isang interview: "Gusto ko lang, mabuo tayo matagal na"

Eldrew Yulo, bumuhos ang luha sa isang interview: "Gusto ko lang, mabuo tayo matagal na"

- Usap-usapan ang panayam ng Business Mirror sa mga kapatid ni Carlos Yulo

- Marami ang naantig sa pahayag ng nakababatang kapatid ni Carlos na si Eldrew Yulo

- Aniya, ang gusto lamang daw niya ay mabuo uli ang kanilang pamilya hindi sa kung ano pa man kundi para makasama nila uli ang kuya niya

- Dagdag pa niya, ito ang gusto niya kahit noon pang hindi nananalo ng gintong medalya sa Olympics ang kuya niya

Usap-usapan ngayon ang panayam ng Business Mirror sa mga kapatid ng sikat na gymnast na si Carlos Yulo, matapos magbigay ng emosyonal na pahayag ang nakababatang kapatid niya na si Eldrew Yulo.

Eldrew Yulo, bumuhos ang luha sa isang interview: "Gusto ko lang, mabuo tayo matagal na"
Eldrew Yulo, bumuhos ang luha sa isang interview: "Gusto ko lang, mabuo tayo matagal na"
Source: Facebook

Marami ang naantig sa sinabi ni Eldrew na ang tanging hiling niya ay mabuo uli ang kanilang pamilya, hindi dahil sa anumang bagay kundi upang makasama nila muli ang kanilang kuya na matagal nang abala sa kanyang karera at nakatampuhan ang kanilang ina.

Read also

Cristine Reyes, nagpost matapos mag-deactivate ng IG at maintrigang hiwalay na sila ni Marco Gumabao

Aniya, matagal na niyang pangarap na maging buo muli ang kanilang pamilya, kahit noong hindi pa nananalo ng gintong medalya sa Olympics ang kanyang kuya. "Gusto ko lang, mabuo tayo matagal na," ang mga salitang binitiwan ni Eldrew na nagdulot ng damdamin sa maraming nakapakinig.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Eldrew, kaya naman niyang magsikap para manalo ng gold medal, kaya hindi daw dahil sa pagkapanalo ng kuya niya kaya niya ito gustong bumalik sa kanila. Kilala rin si Eldrew at ang isa pa nilang kapatid bilang magagaling na gymnasts, na sumusunod sa yapak ng kanilang kuya na isang Olympic medalist.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Video kung saan makikita ang reaksiyon ni Carlos Yulo nang makita ang kanyang ama, viral

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: