Arnold Clavio, ibinahagi ang loob ng detention facility na titirhan ni FPRRD sa The Hague
- Ibinahagi ni Arnold Clavio ang itsura ng detention facility sa The Hague kung saan dadalhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte
- Sinabi niyang malinis, ligtas, at may sapat na pasilidad ang lugar para sa mga detenido ngunit hindi ito isang luxury hotel
- May sariling break room ang detenido na may maliit na mesa, twin-sized bed, palikuran, at may access sa meeting room para sa mga abogado
- Tiniyak ng mga opisyal ng ICC na ligtas, komportable, at sumusunod sa internasyonal na pamantayan ang pasilidad para sa mga nakakulong
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ng veteran journalist na si Arnold Clavio ang itsura ng loob ng International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, Netherlands, kung saan dadalhin ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin kaugnay ng mga kasong crimes against humanity.

Source: Instagram
Sa isang social media post, sinabi ni Clavio na ang mga larawan ay mula sa artikulo ng Justice Hub at opisyal na website ng ICC. Ayon sa kanya, mapapanatag umano ang mga tagasuporta ni Duterte dahil sa malinis at ligtas na pasilidad na titirhan nito.
“Inaakala ng iba na ito ay isang bilangguan, pero hindi ito katulad ng ordinaryong kulungan. Hindi rin ito isang luxury hotel. May makitid na kama, maliit na salamin, at may tanawin ng hardin. Gayunman, mananatiling naka-lock ang detenido sa magdamag at hindi maaaring lumabas,” ani Clavio.
Ipinakita rin sa kanyang post ang ilan sa mga pangunahing bahagi ng pasilidad, kabilang ang entrance ng Scheveningen Prison kung saan matatagpuan ang ICC Detention Center. Mayroon din umanong break room na may maliit na mesa, twin-sized bed, at sariling palikuran. Sa oras ng pahinga, maaaring kumain ng tanghalian ang detenido at makipagpulong sa kanyang mga abogado sa isang meeting room.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bagaman may computer sa loob, nilinaw ni Clavio na walang internet o WiFi access. Mayroon ding conjugal rooms para sa mga detenido na nais makasama ang kanilang asawa.
Samantala, sinabi ni Chief Custody Officer Paddy Craig na mas “relaxed” ang sistema sa ICC detention unit kumpara sa mga karaniwang kulungan. “Mayroon akong mandato, kailangan kong patakbuhin ito ayon sa mga internasyonal na pamantayan, at iyon ang ginagawa ko,” ani Craig.

Read also
Kitty Duterte, ipinakita ang resulta ng umano'y 'harassment' na dinanas niya at kanyang pamilya
Sa panig naman ni Peter, isang Court Security Lieutenant sa ICC, tiniyak niya na layunin ng pasilidad na tiyakin ang kaligtasan, kaginhawaan, at kalusugan ng mga detenido.
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon
Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh