Video ng flash mob ng mga Kakampink theater actors sa kalsada, viral
- Viral ngayon ang video kung saan nagmistulang pagtatanghal sa teatro ang kampanya ng ilang aktor sa pagsuporta sa 'Leni-Kiko tandem'
- Ibinahagi ng respetadong singer at aktres sa bansa na si Celeste Legaspi ang naturang video
- Makikita si 'Kuya Bodjie' ng Batibot na siyang nagsimula ng munting pagtatanghal
- Kinanta nila ang 'Handog ng Pilipino sa mundo' na bahagyang binago ang lyrics upang umakma sa kanilang kampanya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Viral ngayon ang 'flash mob' ng ilang theater actors at actress na sumusuporta sakandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo at ang ka-tandem nito na tumatakbo sa pagka-bise presidente na si Senator Kiko Pangilinan.
Nalaman ng KAMI na ang mismong nagbahagi ng video ay ang kilala at respetadong singer at actress sa bansa na si Celeste Legaspi.
Sa unang bahagi ng video, makikita ang pamilyar na mukha noong 80's na si Kua Bodjie ng pamabatang programa na 'Batibot.'
Hanggang sa unti-unti nang sumulpot ang inakalang mga napadaang tao lamang sa kalsada at isa-isa hanggang sa lahat ay kumanta na ng makabayang awitin na 'Handog ng Pilipino sa mundo' ni Raul Sunico.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bahagya rin nilang binago ang lyrics ng kanta upang maging akma sa kampanya nila para sa 'Leni-Kiko tandem.'
"Let’s bring our campaign to the streets!" ani Celeste na isa rin umanong supporter ni VP Leni Robredo.
Narito ang kabuuan ng kanyang video:
Isa lamang ang grupo ng mga theater actor at actress sa mga volunteer performers at supporters ng "Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem" at ng mga senatoriables ng 'Tropang Angat."
Unang nagpakita ng suporta sa mga Kakampink si Ely Buendia ng dating Eraserheads, Rivermaya, Ebe Dancel ng dating Sugarfree, Itchyworms, Dicta Licens, Kean Cipriano ng Callalily.
Parami rin ng parami umano ang mga celebrities na sumusuporta kay VP Leni tulad nina Jolina Magdangal, Julia Barretto, Cherrie Pie Picache at Edu Manzano, Pokwang at marami pang iba.
Samanatala, binisita rin ng grupo ni VP Leni ang Palawan kung saan napaindak pa ito sa Occidental Mindoro kasama ang mga 'Youth for Leni' at nagsayaw ng Mangyan traditional dance.
Bago pa ang pagtitipon sa Mindoro, ginanap naman ang maulang campaign rally ni VP Leni Robredo, running mate Senator Kiko at mga senatoriables ng 'Tropang Angat' sa Rizal. Sa kabila ng maghapong pag-ulan, dinagsa pa rin ito ng tinatayang 43,000 katao.
Source: KAMI.com.gh