'Di tayo pwede' hitmaker, may banat sa mga umano'y 'magnanakaw at corrupt'
- Naging bahagi ng campaign rally ng Leni-Kiko tandem ang bandang The Juans sa Rizal noong April 5
- Bago sila magtanghal, may patutsada umano ang banda sa mga 'hindi na pwede' sa gobyernong tapat
- Ilan sa mga nabanggit nila ay ang mga umano'y magnanakaw at corrupt
- Isa lamang ang bandang The Juans sa mga sumusuporta sa 'Leni-Kiko tandem'
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
May banat ang bandang The Juans nang magtanghal sila para sa mga 'Kakampink' sa Leni-Kiko campaign rally noong April 5 sa Rizal.
Nalaman ng KAMI na bago nila kantahin kanilang hit song nila na 'Di tayo pwede,' sinabi muna nila ang mga umano'y hindi na pwede sa gobyernong tapat.
"Ngayong gabi dito sa Rizal, maninindigan tayo. Na may mga bagay na mula ngayon, hindi na pwede,"
"Hindi na pwede ang magnanakaw. Hindi na pwede ang corrupt. Hindi na pwede yung mga taong wala diyan 'pag kailangan mo na,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Kaya ngayong gabi, mga kabataan, Rizal, tayong lahat ay maninindigan. At sasabihin sa lahat ng masama at toxic... Hindi tayo pwede," ang matapang na pahayag ng vocalist at keyboardist ng banda na si Carl Guevarra.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na ibinahagi rin ng News5:
Isa lamang ang bandang The Juans sa mga volunteer performers at supporters ng "Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem" at ng mga senatoriables ng 'Tropang Angat."
Unang nagpakita ng suporta sa mga Kakampink si Ely Buendia ng dating Eraserheads, Rivermaya, Ebe Dancel ng dating Sugarfree, Itchyworms, Dicta Licens, Kean Cipriano ng Callalily.
Parami rin ng parami umano ang mga celebrities na sumusuporta kay VP Leni tulad nina Jolina Magdangal, Julia Barretto, Cherrie Pie Picache at Edu Manzano, Pokwang at marami pang iba.
Binisita rin ng grupo ni VP Leni ang Palawan kung saan napaindak pa ito sa Occidental Mindoro kasama ang mga 'Youth for Leni' at nagsayaw ng Mangyan traditional dance.
Bago pa ang pagtitipon sa Mindoro, ginanap naman ang maulang campaign rally ni VP Leni Robredo, running mate Senator Kiko at mga senatoriables ng 'Tropang Angat' sa Rizal. Sa kabila ng maghapong pag-ulan, dinagsa pa rin ito ng tinatayang 43,000 katao.
Dahil dito, labis namang nag-alala ang bise presidente sa kalusugan ng mga 'Kakampink' at bilang ina ng bayan, pinaalalahanan niya itong maligo agad pagka-uwi at dasal niyang walang magkasakit sa mga nagtungo roon.
Source: KAMI.com.gh