VP Leni, inalala ang mga supporters na nabasa ng maghapong pag-ulan sa Rizal

VP Leni, inalala ang mga supporters na nabasa ng maghapong pag-ulan sa Rizal

- Inalala ni Vice President Leni Robredo ang kalagayan ng kanyang mga supporters sa campaign rally na nabasa sa ulan

- Naikwento niyang muntik na nilang ikansela ang pagtitipon sa Rizal subalit hindi nagpatinag ang mga supporters niya sa ulan

- Tinatayang nasa 43,000 katao ang nagsakripisyo sa ulanan, madinig lamang at masilayan ang Tropang Angat, si Senator Kiko Pangilinan at si VP Leni

- Kaya naman pinaalalahanan niya ang mga ito na umuwi agad at maligo at ipinagdarasal niyang walang magkasakit sa mga naulanan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-alala si Vice President Leni Robredo sa mga supporters niya sa Rizal na nabasa na sa ulan makapwesto lamang sa kanilang campaign rally ngayong Abril 5.

VP Leni, inalala ang mga supporters na nabasa ng maghapong pag-ulan sa Rizal
VP Leni, inalala ang mga supporters na nabasa ng maghapong pag-ulan sa Rizal (Robredo People's Council)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naisipan na umano nilang ikansela ang pagtitipon dahil sa mula umaga pa lamang na pag-ulan subalit hindi nagpatinag ang mga taong matiyagang nagbilad sa ulanan, madinig lamang ang mensahe ng grupo ni VP Leni, Senator Kiko Pangilinan at mga senatoriables ng 'Tropang Angat.'

Read also

Cristy Fermin, nagsalita ukol sa LGBT speculation sa mga male stars

"Sa totoo lang, nag-aalala ako sa inyo. Kanina ko pa pinagdadasal na wala sana sa inyong magkasakit"

"Alam kong marami po sa inyo ang kaninang-kanina pa nandito, at sa kalakasan ng ulan, hindi nagpatinag," ang ilan sa mga nasabi ng presidential candidate bilang pag-aalala sa mga 'kakampink.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman pinaalalahanan niya ang mga ito na maligo agad upang hindi matuloy sa posibleng karamdaman ang mga taong nabasa sa ulan.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa Rizal na mula sa Facebook Page na VP Leni Robredo:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Bago pa ang pagtitipon sa Tarlac na dinaluhan din ni Kris Aquino, dinaos din ang campaign rally sa Nueva Ecija na may 50,000 katao din ang dumalo. Gumawa rin ng ingay ang mga 'Kakampink' sa Pasig City kung saan umabot ng 137,000 ang dumalo sa People's rally ng grupo ni Robredo noong Marso 20.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica