Cristy Fermin, nagsalita ukol sa LGBT speculation sa mga male stars

Cristy Fermin, nagsalita ukol sa LGBT speculation sa mga male stars

- Napag-usapan ngayon ni Cristy Fermin sa kanyang Showbiz Now Na! ang tungkol sa mga male stars na pinagdudahan ang kasarian

- Ang ilan sa mga ito ay paulit-ulit nang nababalita subalit walang kumpirmasyon

- Ang ilan naman, sadyang malamya lamang subalit masasabi raw nilang lalaking-lalaki naman talaga

- Kung tutuusin, marami pa umano ang nasa kanilang listahan subalit ang kanilang ibinigay ay ang mga madalas na napapag-usapan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Walang kiyeme na ibinigay nina Morly Alinio, Romel Chika at Cristy Fermin ang mga pangalan ng mga male showbiz personalities na madalas na mabalitang kuwestiyonable ang kasarian.

Nalaman ng KAMI na sa mundo ng showbiz, may ilang pangalan na paulit-ulit na pinagdududahan ang kasarian subalit magpasahanggang ngayon ay wala pa rin naman umanong kumpirmasyon.

Cristy Fermin, pinangalanan ang mga aktor na umano'y pinagdududahan ang kasarian
Cristy Fermin, Romel Chika, Morly Alinio (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Una na rito ang si Piolo Pascual na makailang beses nang napabalita at nali-link sa ilang mga actor subalit patuloy pa rin na nakakapagpakilig sa mga kababaihan.

Read also

Trina Candaza, umalma sa headline ng balita tungkol sa hiwalayan nila ni Carlo Aquino

Tila dedma rin umano ang aktor sa mga isyu kaya naman kusa na lamang itong humuhupa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan din sa mga pangalang naibigay nila ay sina Jed Madela, Marvin Agustin at maging ang fiance ni Vice Ganda na si Ion.

Maging si Christian Bautista ay napagdudahan din umano ang kasarian subalit ngayon nama'y masaya ito sa buhay may asawa.

Kasama na rin sa nabanggit si Erik Santos na ayon naman kay Cristy ay 'effeminate' lamang o iyong tila malamya ngunit hindi naman masasabi na isang beki.

Kung tutuusin, marami pa umano ang nasa kanilang listahan subalit ang kanila na lamang mga nabanggit ay ang mga paulit-ulit na nai-issue sa showbiz.

"'Yun lamang pong mga pangalan na madalas na pinagdududahan ng husgado ng bayan ang ibinigay namin sa inyo."

Read also

VP Leni, inalala ang mga supporters na nabasa ng maghapong pag-ulan sa Rizal

Narito ang kabuuan ng kanilang chika mula mismo sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin is a veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika. Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, naikwento pa ni Cristy sa isang episode nila ng Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Morly Alinio ang kung paano siya naging daan upang makapagbigay ng mensahe si Claudine Barretto sa yumaong dati nitong kasintahan na si Rico Yan noong panahon ng burol nito at hindi siya makalapit.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel