Trina Candaza, umalma sa headline ng balita tungkol sa hiwalayan nila ni Carlo Aquino

Trina Candaza, umalma sa headline ng balita tungkol sa hiwalayan nila ni Carlo Aquino

- Matapos magsalita ni Carlo Aquino kaugnay sa paghihiwalay nila ni Trina Candaza, naging usap-usapan ang pag-alma ni Trina sa isang headline ng balita tungkol dito

- Sa comment section ng social media post kung saan ibinahagi ang balita, sinabi ni Trina na sana ay ayusin ang headline

- Nakalagay sa headline na nakipaghiwalay na umano si Carlo kay Trina

- Ani Trina, wala namang sinabi na ganun si Carlo at sa pagkakaalala niya ay kabaliktaran umano ang nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-pansin ang komento ni Trina Candaza sa isang post tungkol sa balitang nagsalita na si Carlo Aquino kaugnay sa kanilang paghihiwalay. Nilinaw ni Trina ang tungkol sa headling ng balita na nagsasabing nakipaghiwalay na umano si Carlo kay Trina .

Trina Candaza, umalma sa headline ng balita tungkol sa hiwalayan nila ni Carlo Aquino
Carlo Aquino at Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Aniya, wala namang sinabi na ganoon si Carlo sa kanyang pahayag sa panayam sa kanya. Dagdag pa niya, sa pagkakaalala niya ay kabaliktaran ang nangyari.

Parang wala naman po kasi sinabi si carlo na siya ang nakipag hiwalay, sa pag kaka alala ko po parang baligtad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang inamin ni Carlo sa isang panayam ng ABS-CBN News na hiwalay na sila ng girlfriend na si Trina. Nitong taon lamang umano sila naghiwalay ngunit hindi na nito idinetalye ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nag-uusap pa rin naman sila bilang magulang ng kanilang anak na si Enola Mithi. Nahihiram niya naman umano ang anak ngunit iniisip pa rin nila ang kapakanan nito kaya kapag lumalabas si Carlo o nagkakaroon siya ng taping, nag-aantay muna siya ng ilang araw bago hiramin ang anak.

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon. Ibinahagi din nila sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Trina noon.

Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel