Carlo Aquino, umamin na tungkol sa hiwalayan nila ni Trina Candaza

Carlo Aquino, umamin na tungkol sa hiwalayan nila ni Trina Candaza

- Sa unang pagkakataon ay inamin na ni Carlo Aquino na hiwalay na sila ni Trina Candaza

- Ito ay matapos ang paglabas ng espikulasyon tungkol sa kanilang hiwalayan kasunod ng cryptic post ni Trina

- Hindi na idinetalye ni Carlo ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng girlfriend at ina ng kanyang anak na si Enola Mithi

- Gayunpaman, nagkakausap umano sila kaugnay sa pagiging magulang nila sa kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Carlo Aquino sa isang panayam ng ABS-CBN News na hiwalay na sila ng girlfriend na si Trina Candaza. Nitong taon lamang umano sila naghiwalay ngunit hindi na nito idinetalye ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Carlo Aquino, umamin na tungkol sa hiwalayan nila ni Trina Candaza
Carlo Aquino at Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Nag-uusap pa rin naman sila bilang magulang ng kanilang anak na si Enola Mithi. Nahihiram niya naman umano ang anak ngunit iniisip pa rin nila ang kapakanan nito kaya kapag lumalabas si Carlo o nagkakaroon siya ng taping, nag-aantay muna siya ng ilang araw bago hiramin ang anak.

Read also

VP Leni, 'liwanag at pag-asa' ang nilalaman ng closing statement sa 2nd presidential debate

Matatandaang lumabas ang espikulasyon tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang mga makahulugang social media posts ni Trina. Wala ding nilalabas na pahayag ang aktor noon ngunit kapansin-pansin ang kanyang mga hugot song covers sa kanyang TikTok account.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa isang vlog ay nabanggit na rin ni Trina ang tungkol sa paghiram ni Carlo sa kanilang anak na para sa mga netizens ay nangangahulugang nagco-coparenting sila sa kanilang anak.

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Read also

Ana Jalandoni, inakalang patay na siya sa tindi ng sinapit 'di umano kay Kit Thompson

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon. Ibinahagi din nila sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Trina noon.

Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel