Cristy Fermin, naging daan ni Claudine para makapagpaalam noon kay Rico Yan

Cristy Fermin, naging daan ni Claudine para makapagpaalam noon kay Rico Yan

- Inalala ni Cristy Fermin na siya ang naging daan upang makapagbigay ng huling mensahe si Claudine Barretto sa dating nobyo na si Rico Yan

- Hindi raw kasi pinapasok umano ng pamilya Yan si Claudine sa burol nito

- Kaya naman nakiusap ang aktres kay Cristy Fermin na isa sa mga reporters na naroon sa burol

- Kamakailan lamang ay naimbitahan ng pamilya Yan si Claudine upang gunitain ang kaarawan ng namayapang aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni Cristy Fermin ang ilang mga kaganapan nang pumanaw ang aktor na si Rico Yan noong 2002.

Cristy Fermin, naging daan ni Claudine para makapagpaalam noon kay Rico Yan
Cristy Fermin, naging daan ni Claudine para makapagpaalam noon kay Rico Yan
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na labis itong naging kontrobersyal gayung ang dati nitong nobya na si Claudine Barretto ay hindi pinahintulutan ng pamilya Yan na makita sa huling sandali si Rico.

Dahil dito, si Cristy ang naging daan upang makapagbigay si Claudine ng huling mensahe sa yumaong nobyo.

Read also

Ana Jalandoni, sinabing nag-sorry na sa kanya si Kit Thompson

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Morly Alinio, idinetalye ito ni Cristy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tumawag siya (Claudine) sa'kin. Nanay, sabi niya parang there's no hope for me to get inside. Oo nga nadidinig ko dito Claud, marami talagang kontra. Can I ask for a favor. 'Yung telpono, itutok ko daw sa tenga ni Rico," pagbabalik-tanaw ni Cristy sa mga naganap sa burol ng yumaong aktor.

Tumagal ang pamamaalam ni Claudine kay Rico ng nasa kalahating oras. At maging noong libing hindi pa rin makalapit si Claudine na nakatanaw lang sa malayo.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Showbiz Now Na!:

Si Claudine Barretto ay isa sa mga batikang aktres sa Pilipinas. Ikinasal siya noong 2006 kay Raymart Santiago subalit nauwi rin ito sa hiwalayan noong 2013. Mayroong apat na mga anak ang aktres na sina Sabina, Santino, Quia, at Noah.

Read also

Cristy Fermin, inalala ang panahong kasama pa ni Mommy Divine si Sarah Geronimo

Kamakailan ay nadadalas ang mga post ni Claudine patungkol sa yumaong kasintahan noon na si Rico Yan.

Bukod sa mga social media post bilang pag-alala kay Rico, nagkaroon pa siya noon ng intimate dinner kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan

Sinasabing nagkahiwalay sina Rico at Claudine, isang linggo bago bawian ng buhay ang aktor noong MArso 29, 2002, dalawang dekada na ang nakararaan.

Kamakailan nga ay naimbitahan naman na ng pamilya Yan si Claudine upang makapiling nila ito sa paggunita sa ika-20 taon ng pamamayapa ni Rico.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel