Cristy Fermin, inalala ang panahong kasama pa ni Mommy Divine si Sarah Geronimo

Cristy Fermin, inalala ang panahong kasama pa ni Mommy Divine si Sarah Geronimo

- Inalala ni Cristy Fermin ang mga karanasan ni Sarah Geronimo noong nakakasama pa nito ang kanyang Mommy Divine

- Nabanggit din ni Cristy na ayaw pa talaga umano ni Mommy Divine na magpakasal si Sarah

- Nagkaroon pa umano ng insidente na tila nagkaroon ng iskandalo sa kasal nina Sarah Geronimo at si Vic Del Rosario ng VIVA ang nagpakalma kay Mommy Divine

- Nakiusap din si Cristy na sana'y magkaayos na ng tuluyan sina Sarah at kanyang ina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inalala ni Cristy Fermin ang mga pinagdaanan noon ng mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine.

Cristy Fermin, inalala ang panahong kasama pa ni Mommy Divine si Sarah Geronimo
Daddy Delfin, Sarah Geronimo at Mommy Divine (Photo from Mommy Divine Geronimo FB)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napag-usapan nila nina Romel Chika at Morly Alinio sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Now Na!

Ayon kay Cristy, tila ayaw pa talaga ni Mommy Divine na magpakasal si Sarah subalit naganap na nga ang pag-iisang dibdib nito kay Matteo Guidicelli, dalawang taon na ang nakalilipas.

Read also

Barbie Imperial, inaming si Diego Loyzaga ang inakala niyang 'the one'

Sa kabila kasi ng maayos na pamilya ni Matteo ay sinasabing hindi pa rin ito matanggap ni Mommy Divine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga naikwento ni Cristy ay ang iskandalo umano ng ina ni Sarah sa mismong kasal nito na ang big boss pa ng VIVA na si Vic Del Rosario ang nagpakalma kay Mommy Divine.

"Si boss Vic Del Rosario ang nag-pacify kay mommy Divine na wala na kayong magagawa ata saka talagang sinunod na niya ang kanyang puso," pagbabalik-tanaw ni Cristy.

Kaya naman hiling nila na magkaayos na nang tuluyang ang mag-ina gayundin ang kanilang pamilya lalo na at may bali-balitang unti-unti nang lumalambot ang puso ng pamilya ni Sarah sa sitwasyon nito sa buhay may asawa.

"Mommy Divine, tama na po 'yung pagmamataas. Hindi naman po krimen ang ginawa ng anak niyo," pakiusap ni Cristy kay Mommy Divine.

Read also

Ana Jalandoni, nasabing nagalit ang ex-husband sa nagawa ni Kit Thompson sa kanya

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Sobrang happy naman ngayon si Sarah G na kamakailan lang ay nagdiwang ng ikalawang anibersaryo ng kasal nila ni Matteo Guidicelli.

Gayunpaman, matatandaang noong Kapaskuhan ng 2021, nag-viral ang emosyonal na pag-awit ni Sarah ng 'Sana ngayong Pasko'.

Maging ang batikang showbiz reporter na si Ogie Diaz ay nakapagbigay komento rito matapos na mapansin ng netizens na tila pamilya raw ni Sarah G ang naiisip nito habang ito'y kinakanta niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel