VP Leni, muntik nang ipabago ang venue ng rally sa Nueva Ecija: "Nakita ko, napakalaki!"

VP Leni, muntik nang ipabago ang venue ng rally sa Nueva Ecija: "Nakita ko, napakalaki!"

- Naikwento ni Vice President Leni Robredo na muntik na niyang ipabago ang venue ng People's rally nila sa Nueva Ecija

- Aniya, napakalaki raw nito at inakala niyang baka aalog-alog lamang sila ng kanyang mga supporters

- Subalit laking gulat niya nang sa bawat bayan na puntahan niya roon ay talagang dinagsa umano sila ng tao

- Matatandaang noong 2016, natalo umano si Robredo sa Nueva Ecija ng nasa 200,000 na boto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa mismong grand rally ng mga 'Kakampink' ng Nueva Ecija, naikwento ni Vice President Leni Robredo na muntik na niya umanong papalitan ng venue ang kanilang pagtitipon.

VP Leni, muntik nang magpabago ng venue ng rally sa Nueva Ecija: "Nakita ko, napakalaki!"
VP Leni, muntik nang magpabago ng venue ng rally sa Nueva Ecija: "Nakita ko, napakalaki!" (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na natakot umano ang bise presidente na ngayo'y tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa na baka 'aalog-alog' lamang sila ng mga supporters sa ganoon kalaking venue na pinagdausan ng kanilang 'People's rally' noong Marso 22.

Read also

Video ng pag fist bump ni Mayor Vico Sotto kay VP Leni Robredo bilang pagsalubong, viral

"Hanggang doon pala 'yung tao... Alam niyo po, may aaminin ako sa inyo. Alam niyo po 'yung sinsabi pa lang sa'min na dito sa oval gagawin 'yung ating rally, natakot ako. Pinadalhan po nila ako ng picture. Nakita ko napakalaki. Ang sabi ko sa aming team, sabi ko hanap tayo ng mas maliit na lugar. Kasi sabi ko napakalaki naman niyan, baka aalog-alog tayo diyan. Ginulat niyo ako ngayong gabi," ani VP Leni.

Taos-puso siyang nagpasalamat sa mga nagtungo ng Cabanatuan, Nueva Ecija para ipakita at iparamdam ang suporta sa kanya, kay Senator Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagka-bise presidente at ang mga 'Tropang Angat' na senatorial line-up ng kanilang grupo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinatayang nasa 50,000 na 'Kakampink' ang dumalo sa naturang pagtitipon na kinumpirma naman ng Local PNP and Rescue team ng lugar.

Read also

VP Leni Robredo sa umano'y Php1000 na bayad sa mga Kakampink: "Please help us report"

Matatandaang noong 2016, natalo umano ng 200,000 votes si Robredo sa Nueva Ecija ayon sa Daily Tribune. Ito marahil ang dahilan kung bakit natakot ang bise presidente na baka kakaunti lamang ang supporters na madaratnan sa lugar.

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Bago pa ang pagtitipon sa Nueva Ecija, gumawa ng ingay ang mga 'Kakampink' sa Pasig City kung saan umabot ng 137,000 ang dumalo sa People's rally ng grupo ni Robredo noong Marso 20.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica