VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

- Taos-pusong pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang mga dumalo sa campaign rally ng kanyang grupo sa Bulacan

- Aniya, ginulat daw siya ng mga Bulakenyo na umaga hanggang gabi ay sinamahan siya at sinuportahan

- Doon lamang daw niya naranasang makoronahan at labis siyang natutuwa sa bawat kaganapan doon

- Pinasalamatan at binigyang pugay din niya ang mga 'KakamPink' volunteers ng Bulacan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Bulacan noong Marso 5, taos-pusong pinasalamatan ni presidential candidate Leni Robredo ang mga dumalo sa naturang pagtitipon.

Nalaman ng KAMI na umaga pa lang ng nasabing araw ay nag-iikot na sa iba't ibang bayan ng Bulacan si VP Leni.

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally
VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally (Photo from VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makitang maraming tao pa rin ang dumalo ng people's rally niya bandang alas sais ng gabi na ng Marso 5.

Read also

Mga larawang kuha sa grand rally ng Leni-Kiko tandem sa Bulacan, viral

"Grabe, Bulacan!!! Ginulat nyo kami!!," ang bungad ng bise presidente sa kanyang appreciation post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang daming tao sa lahat na venues, andami din naghihintay sa kalsada. Parang picnic- kasama buong pamilya, pati alagang aso at pusa. Maraming nka costume, maraming mga sariling gawang placards, andun si Spiderman, ang mga taga Bocaue, nag alay pa ng napakagandang pagoda . For the first time, na koronahan ako onstage. May mga mananayaw din from Obando. Daming highlights at sobrang saludo sa lahat na volunteers," pagkikwento niya.

"Mabuhay kayo, Bulacan volunteers and supporters. Baon namin ang inyong pagmamahal at tiwala"

Samantala, sa ulat ng Manila Bulletin, tinatayang mahigit 40,000 na mga Bulakenyo ang sumuporta at nakiisa sa people's rally ng grupo ni Robredo sa kanilang lugar.

Read also

Dub King, nabiktima umano ng holdap sa loob mismo ng coffee shop sa SM MOA

Narito ang kabuuan ng post:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica