Julius Babao at iba pang media personalities, nagsama-sama sa burol ni Mike Enriquez

Julius Babao at iba pang media personalities, nagsama-sama sa burol ni Mike Enriquez

- Nagsama-sama ang mga media personalities ng iba't ibang network sa burol ni Mike Enriquez

- Ibinahagi ni Julius Babao ang larawan nila kasama ang kapwa news anchor at journalist maging sa ibang istasyon

- Sama-sama silang nagbigay pugay sa batikang broadcaster na si Mike Enriquez na namayapa noong Agosto 29

- Sina Julius Babao misis nitong si Cristine Bersola ay kasalukuyang mga news personalities ng TV5

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasama-sama ang mga kilalang media personalities sa burol ng batikang broadcaster na si Mike Enriquez.

Julius Babao at iba pang media personalities, nagsama-sama sa burol ni Mike Enriquez
Julius Babao at iba pang media personalities (Julius Babao)
Source: Facebook

Ibinahagi ni Julius Babao ang sama-sama nilang pagbibigay pugay sa isa sa mga haligi ng TV and radio broadcasting sa bansa.

Makikita sa larawan sina Cheryl Cosim, Pia Arcanghel, Connie Sison at mga nakasama ni Mike Enriquez sa GMA na sina Vicky Morales, Susan Enriquez at Arnold Clavio.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

"I’m happy I was able to reunite with my Kapuso family where I started my career in 1991 as a production assistant at DZBB, GMA-7’s Radio Station. Nagbago man ang itsura natin. Naghiwalay man tayo ng Network. Ang mahalaga, alam nating balikan ang ating nakaraan at pinagsimulan. Thank you Mike for bringing all of us together again!" ang bahagi ng caption ni Julius sa kanyang post.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Mike Enriquez, or Miguel Castro Enriquez, ay isang multi-awarded Pinoy television and radio newscaster. Siya ay naging presidente ng regional and radio subsidiary, RGMA Network Inc. ng GMA Network at naging Station Manager ng Super Radyo DZBB 594 AM. Nakilala rin siya bilang news anchor ng Saksi at 24 Oras kung saan nakasama sina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Read also

EJ Laure, binahagi ang kanyang pagbati sa kaarawan ni Bugoy Cariño

Kaya naman, nang ibalita nila ang pagpanaw ni Mike noong Agosto 29, hindi napigilang maluha ng dalawa lalo na ni Mel habang inihahayag ang mga naibahagi ni Mike sa nasa limang dekada nitong serbisyo sa radyo at telebisyon.

Maging ang isa ring batikang news anchor na si Noli De Castro ay naghayag ng kanyang pakikiramay sa itinuring niyang kaibigan na si Mike Enriquez. Aniya, madalas umano silang magkasama ni Mike sa malalaking coverage ng kani-kanilang istasyon noon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica