Noli De Castro sa pagpanaw ni Mike Enriquez: "Matagal-tagal din kaming naging magkaibigan"

Noli De Castro sa pagpanaw ni Mike Enriquez: "Matagal-tagal din kaming naging magkaibigan"

- Nakiramay maging ang mga news anchor ng TV Patrol sa pagpanaw ni Mike Enriquez

- Kinumpirma ng GMA ang pagpanaw ni Enriquez sa edad na 71

- Ayon kay Noli De Castro na kapwa beteranong broadcaster ni Mike, matagal-tagal din niya umano itong naging kaibigan

- Madalas niya umanong makasabay at makasama sa mga live coverage na kanilang ginagawa sa kani-kanilang estasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga news anchor ng TV Patrol na sina Brenadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz at Noli De Castro sa pagpanaw ng kapwa nila broadcaster na si Mike Enriquez.

Noli De Castro sa pagpanaw ni Mike Enriquez: "Matagal-tagal din kaming naging magkaibigan"
Noli De Castro at Mike Enriquez (ABS-CBN News/ GMA News)
Source: Facebook

Bago matapos ang TV Patrol ngayong Agosto 29 kung kailan gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Mike Enriquez, naikwento ni Noli ang kanilang pinagsamahan ng kapwa batikang broadcaster.

Read also

Ogie D, nakiramay sa naulila ni Mike Enriquez; inalala ang papuring nasabi nito sa kanya

"Nakikiramay po kami... Matagal-tagal din kaming naging magkaibigan ni Mike. Lagi kaming nagkakasabay sa mga ano e, sa mga live. Basta may malalaking live, nagkakasabay pa kami. Noong may prangkisa pa tayo," ani Noli.

Narito ang kabuuan ng kaniyang naging pahayag mula sa TV Patrol, ABS-CBN News YouTube:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mike Enriquez, or Miguel Castro Enriquez, ay isang multi-awarded Pinoy television and radio newscaster. Siya ay naging presidente ng regional and radio subsidiary, RGMA Network Inc. ng GMA Network at naging Station Manager ng Super Radyo DZBB 594 AM. Nakilala rin siya bilang news anchor ng Saksi at 24 Oras kung saan nakasama sina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Kaya naman, nang ibalita nila ang pagpanaw ni Mike noong Agosto 29, hindi napigilang maluha ng dalawa lalo na ni Mel habang inihahayag ang mga naibahagi ni Mike sa nasa limang dekada nitong serbisyo sa radyo at telebisyon.

Maging ang isa ring batikang news anchor na si Noli De Castro ay naghayag ng kanyang pakikiramay sa itinuring niyang kaibigan na si Mike Enriquez. Aniya, madalas umano silang magkasama ni Mike sa malalaking coverage ng kani-kanilang istasyon noon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica