Ogie D, nakiramay sa naulila ni Mike Enriquez; inalala ang papuring nasabi nito sa kanya

Ogie D, nakiramay sa naulila ni Mike Enriquez; inalala ang papuring nasabi nito sa kanya

- Maging sina Ogie Diaz at kasamahan nila sa Showbiz Update YouTube channel ay nakiramay sa mga naulila ni Mike Enriquez

- Aniya, maging ang showbiz industry ay nagluluksa sa isa sa mga batikang broadcaster sa bansa

- Inalala rin niya ang una at isang beses nilang pagkikita ni Mike na nagawa pa umano niyang mapatawa

- Sa isang beses nilang pagkikitang ito ay nagawa pa umano siya nitong purihin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakikiramay ang bumubuo ng Ogie Diaz Showbiz Update sa pagpanaw ng batikang broadcaster sa bansa na si Mike Enriquez.

Ogie D, nakiramay sa naulila ni Mike Enriquez; inalala ang papuring nasabi nito sa kanya
Mike Enriquez (GMA News)
Source: Instagram

Sa pinakabago nilang episode, naikwento pa ni Ogie ang isa at unang beses niyang nakausap ang tinatawag niyang 'Sir Mike"

"Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ng batikang brodkaster na si Mike Enriquez. Buong movie and showbiz, entertainment and news and politics ay nalulungkot sa pagpanaw ni Mike Enriquez."

Read also

Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"

"Ang pagkikita namin ni sir Mike, very memorable sa akin. Minsan lang kami nagkita, once lang, once lang kami nagkita. At least, hindi naman kami tinarayan," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Katunayan, nag-iwan pa raw ito ng magagandang salita sa kanya matapos niya itong biruin ng 'Excuse me po,' na pamosong linya ng batikang news anchor.

"Kinamayan pa ako. 'Ogie,' excuse me po, tapos nagtawa siya. Sabi niya, 'you're doing good ah."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie:

Si Mike Enriquez, or Miguel Castro Enriquez, ay isang multi-awarded Pinoy television and radio newscaster. Siya ay naging presidente ng regional and radio subsidiary, RGMA Network Inc. ng GMA Network at naging Station Manager ng Super Radyo DZBB 594 AM. Nakilala rin siya bilang news anchor ng Saksi at 24 Oras kung saan nakasama sina Mel Tiangco at Vicky Morales.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Kaya naman, nang ibalita nila ang pagpanaw ni Mike noong Agosto 29, hindi napigilang maluha ng dalawa lalo na ni Mel habang inihahayag ang mga naibahagi ni Mike sa nasa limang dekada nitong serbisyo sa radyo at telebisyon.

Maging ang isa ring batikang news anchor na si Noli De Castro ay naghayag ng kanyang pakikiramay sa itinuring niyang kaibigan na si Mike Enriquez. Aniya, madalas umano silang magkasama ni Mike sa malalaking coverage ng kani-kanilang istasyon noon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel