Yuki Takahashi, ipinaliwanag bakit hindi pa nanganganak si Camille sa Batang Quiapo

Yuki Takahashi, ipinaliwanag bakit hindi pa nanganganak si Camille sa Batang Quiapo

- Mismong si Yuki Takahashi ang nagpaliwanag ng tungkol sa pagbubuntis ni Camille sa Batang Quiapo

- Naging usap-usapan ito dahil sinasabing taon na ang binilang ngunit di pa ito nanganganak

- Napansin ito ng marami nang magbuntis din si Lena, ang karakter ni Mercedes Cabral

- Samantala, marami rin ang pumupuri sa pagganap ni Yuki bilang si Camille sa nasabing serye

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Yuki Takahashi, una nilang tinalakay ang ginagampanan nitong si Camille sa FPJ Batang Quiapo.

Yuki Takahashi, ipinaliwanag bakit hindi pa nanganganak si Camille sa Batang Quiapo
Yuki Takahashi, ipinaliwanag bakit hindi pa nanganganak si Camille sa Batang Quiapo (Yuki Takahashi fans)
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan ay naging maugong si "Camille" nang mapansin ng publiko na hindi pa rin umano ito nanganganak.

"Alam niyo po ba. 40 days pa lang yung tiyan ko sa story. 40 days pa lang po yung buhay namin."

June 19, 2023, matatandaang inanunsyo na nabuntis ni David, ang karakter na ginagampanan ni McCoy De Leon si Camille.

Read also

Ogie Diaz, may payo sa BINI kaugnay sa kanilang 'Jabbawockeez' ootd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Natatawa na lang po ako kasi every time na makita po nila ako kahit saan, yun po talaga 'yung tanong. Pero of course hindi ko po talaga alam kung kailan po talaga ako manganganak. Sinasabi ko nalang po, siguro kapag nakakapaglakad na 'yung bata, 'dun ko nalang ilalabas para tipid."
"Nilakihan na nga nila kasi nirereklamo na sila. Nirereklamo sila na parang hindi naman daw ako buntis, so ang ginawa nalang nina direk, nilakihan na lang para at least makita yung image na buntis si Camille."

Narito ang kabuuan ng panayam kay Yuki mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Ang teleseryeng FPJ's Batang Quiapo ay pinagbibidahan ng tinaguriang "Teleserye King" na si Coco Martin. Siya ay may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang programa, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Read also

Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"

Matatandaang minsang nag-viral ang makulit na TikTok video nina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral. Ito ay dahil taliwas ang kanilang ginawa sa karakter nila bilang sina Lena at Maritess.

Bukod kina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral, ilan din sa mga kasama nina Coco sa naturang serye ay sina Ivana Alawi, Jaime Fabregas, Charo Santos at maging ang internet star na si Diwata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica