Cherry Pie at Mercedes, viral sa kanilang nakakaaliw na "Baby I love you" trend

Cherry Pie at Mercedes, viral sa kanilang nakakaaliw na "Baby I love you" trend

- Mabilis na nag-viral ang TikTok video nina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral

- Marami ang nagulat nang biglang nagsama ang dalawa sa naturang video

- Matatandaang si Cherry Pie ang gumaganap na Maritess at si Mercedes naman si Lena sa Batang Quiapo

- Sila ay pawang magkaribal kay Rigor na ginagampanan naman ni John Estrada

Kinagiliwan ng marami ang viral TikTok video nina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral.

Cherry Pie at Mercedes, viral sa kanilang nakakaaliw na "Baby I love you" trend
Cherry Pie at Mercedes, viral sa kanilang nakakaaliw na "Baby I love you" trend (Cherry Pie Picache)
Source: TikTok

Sa naturang video na naibahagi nila sa kani-kanilang TikTok account, makikitang tila magkasundo sila, taliwas sa kanilang mga karakter sa 'FPJ's Batang Quiapo.'

Matatandaang si Cherry Pie ang gumaganap na si Maritess, ang ligal na asawa ni Rigor na ginagampanan naman ni John Estrada. At si Mercedes Cabral naman ang gumaganap bilang si Lena na isa umanong babae ni "Rigor."

Dahil dito, aliw na aliw ang mga netizens na nakapanood ng kanilang Tiktok.

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan matapos makitang magkasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilang kanilang mga komento:

"Ayun naman pala, sina Lena naman pala talaga at Maritess"
"Endgame naman pala talaga sina Lena at Maritess"
"Sweet naman pala talaga sila sa isa't isa e!"
"Rigor, ano kayang masasabi mo rito?"

Samantala, naibahagi rin ng Inquirer ang naturang video:

Ang teleseryeng FPJ's Batang Quiapo ay pinagbibidahan ng tinaguriang "Teleserye King" na si Coco Martin. Siya ay may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas. Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang programa, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.

Matatandaang naikwento ni Coco Martin sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano na nabigyan na umano niya ng kanya-kanyang bahay at kanya-kanyang mga negosyo ang apat pa niyang mga kapatid. Katunayan, ang dalawa pa sa mga ito ay bahagi na rin ng FPJ Batang Quiapo.

Read also

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

Bukod kina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral, ilan din sa mga kasama nina Coco sa naturang serye ay sina Ivana Alawi, Jaime Fabregas, Charo Santos at maging ang internet star na si Diwata.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica