Direk Laurice, dahilan umano ng kawalan ng award ng 'Family Matters' ayon sa source ni Ogie D

Direk Laurice, dahilan umano ng kawalan ng award ng 'Family Matters' ayon sa source ni Ogie D

- Nakarating umano sa Ogie Diaz Showbiz Update ang sinsabing dahilan kung bakit walang award at nominasyon ang Family Matters

- Sa kabila kasi ng umaapaw na papuri sa pelikula, tanging ang Gatpuno Antonio Villegas lang ang kanilang nakamit

- Sinasabing ang 'Tanging Yaman' ni Direk Laurice Guillen ang dahilan nito

- Maging si Ogie Diaz ay hindi basta naniniwalang iyon ang dahilan bakit nominasyon manlang ay wala ang 'Family Matters'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang umano'y nakikitang dahilan kung bakit walang nominasyon at walang nakuhang major award ang pelikulang Family Matters.

Direk Laurice, dahilan umano ng kawalan ng award ng 'Family Matters' ayon sa source ni Ogie D
Direk Laurice Guillen (@lauriceguillen)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umanong source ni Ogie D ang nagsabing si Direk Laurice Guillen ang nakikitang dahiln nito.

"Ito hindi confirmed ha. Pwede itong linawin ng tutukuyin natin. Totoo ba ito na may kinalaman ba si Direk Laurice Guillen kung bakit hindi nabigyan ng maraming nominasyon ang Family Matters?" ani Ogie D.

Read also

Andrew Schimmer, paiimbestigahan pa rin ang naging nutritionist ni Jho Rovero

Lumalabas na tila natatakot na maungusan ng pelikulang Family Matters ang obra ni Direk Laurice noong taong 2001, ang 'Tanging Yaman'. Matatandaang tungkol din ito sa pamilyang Pilipino na hindi nalalayo ang tema sa nasabing 2022 Metro Manila Film Festival entry.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tungkol ito sa pamilya para magmarka sa tao o mag-iwan ito ng legasiya sa mga tao na ito 'yung pinakamagandang family oriented movie, yung 'Tanging Yaman'. Nakarating lang po 'yan sa amin," ani Ogie D.

Maging siya ay hindi makapaniwala na ito ang dahilan na sinabi ng kanya umanong source.

"Ha? Totoo bang ayaw maungusan ni Direk Laurice Guillen ang kanyang Tanging Yaman ng Family Matters."

Aniya, tumatak naman na talaga ang pelikulang Tanging Yaman ni Direk Laurice. At nasundan na rin ito ng iba pang mga pelikula na halos pareho ang tema tulad ng Seven Sundays.

Read also

Ogie Diaz, todo puri ang MMFF movie na 'Family Matters'

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Kamakailan, dinipensahan ni Ogie D ang pagbati ni Vice Ganda kay Toni Gonzaga sa isinagawang parada ng MMFF 2022. Pareho silang mayroong pelikula sa naturang film festival.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel